Sen. Bong inayusang maigi para magmukhang bata!

PIK: Punung-puno ng Kapuso stars ang Studio 1 ng GMA 7 kung saan ginanap ang pictorial ng Indio nung nakaraang linggo.

Ito ang epic serye ng GMA 7 na maraming leading ladies kaya maingat sila sa pag-aayos kay Sen. Bong Revilla, Jr. para bumagay siya sa mga leading ladies simula kay Rhian Ramos, Maxene Magalona at Jennylyn Mercado.

Pati nga sa taping ay nagawa nilang halos ayusin si Sen. Bong para magmukhang magkaedad sila ni Maxene.

Isa raw iyon sa inayos ng husto ng production staff ng Indio na magmukhang bagets si Sen. Bong.

Pagkatapos ng box-office success ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako, naka-concentrate na ngayon si Sen. Bong sa Indio na magsisimula na sa Jan. 14.

PAK: Congratulations sa lahat nang bumubuo ng Enchanted Garden ng TV5 dahil sa binigyan ito ng parangal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na Gawad Muyong award. Pinuri ng DENR ang ipinapakita ng naturang ecofantasya ang pangangalaga sa ating kalikasan.

BOOM: Hindi muna nagpapakita sa publiko ang dating miyembro ng Sexbomb dancers na si Aifa Medina na kapapanganak lang ng isang malusog na baby girl.

Mataba raw kasi siya ngayon at mas aligaga siya sa pag-alaga sa kanyang anak. Hindi muna siya nagpapapayat dahil nagbi-breastfeed pa.

Ang laki ng ipinagbago niya ngayong isa na siyang ina. Mas magko-concentrate na siya ngayon sa kanyang anak at sa asawa niyang isang kila­lang negosyante.

Ayaw lang sabihin ni Aifa kung sino ang businessman na napangasawa niya dahil mas gusto na lang mapanatili ang kanyang privacy.

Show comments