Hindi nakapagpigil kahapon si Regine Velasquez kahit bagong pasok ang 2013, pinatulan ang hate message na nagkalat sa Twitter at Instagram na nag-aakusang hindi sila nag-abiso para sa palitan ng ticket sa kanyang Silver concert last November kung saan siya nawalan ng boses kaya magkakaroon ng rewind sa Jan. 5.
“Our office has been receiving these kind of messages. Tama naman po siya na nakapag-tweet po ako nang dalawang beses about it pero ’yung isa ko pong IG (Instagram) nakalagay po ro’n na kailangan papalitan among mga tix natin at may deadline pa po,” sabi ni Mrs. Alcasid na dumating na sa bansa the other night matapos ang bakasyon sa Australia kung saan sila nag-Christmas kasama ang mag-ama niyang sina Ogie at Nate.
Ayon pa rin kay Regine madalas kasi nilang natatanggap ang message na ito: “I checked ur sister’s (referring to Cacai) timeline, from November 15 to December 25, she only tweeted 2x regarding the repeat: Nov. 29 & December 4, but she did not mention anything about the ticket exchange or deadline!!! The only date was when she re-twitted MOA’s tweet last December 11. Enough na ba ’yun??? We waited for her announcement but there was none,” sabi nang nag-iimbiyernang fan.
Kaya naman para patunayan na may announcement siya inulit niya ang announcement niya noon: “Hi guys. Silver the repeat Jan 5 na po, papalitan na po natin mga tickets lapit na. Deadline is on December 25,” ulit ng Asia’s Songbird sa kanyang Instagram account.
Marami raw kasing gustong bumili ng ticket kaya nagbigay sila ng deadline na Dec. 25 at kung sino ang hindi makakapagpalit ay hindi na puwede after that date dahil ibebenta na nila.
At ’yun ang kanyang post last Dec. 18 and 20. Kahit daw sa HOT TV ay nagkaroon siya ng announcement.
“Sa pagpapatuloy ng maagang pasabog ng lola (Regine) ninyo sa message ni ate (hate message) halatang binasa niya ang timeline ko so ibig sabihin may nabasa siya. Ang akin lang po, kung hindi natin masyadong naintindihan ang message ng lola (Regine) n’yo puwede naman mag-inquire ’di ba teh? And the message even said na enough na ba ang dalawang beses na paalala o announcement??? Ang tanong, ilang beses ba dapat???” pagpapatuloy ng papaliwanag ni Ms. Regs na in fairness ay naglaan ng oras para sagutin ang mga nega sa bagong taon.
“Ang aga-aga bumubula na IG (Instagram) ng lola n’yo ha. Alam po namin na karamihan sa atin ay naging aligaga dahil Pasko nga kaya marami ang hindi nakapunta ng SM para magpapalit ng tix nila. But I think my office and management did their best to try and inform everybody. Gagawin po uli natin ang show na ito dahil po gusto ko sulitin ang pera n’yo. Alam ko po na mahirap ang buhay ngayon kaya ayoko sana na umuwi kayong bitin sa show. Ang mga tao po na tumutulong sa akin para gawin muli ang concert na ito ay walang bayad. Ginagawa po nila Ito para sakin. So I don’t think they deserve this kind of treatment. Hindi ko po pinapatulan ang message I’m explaining so that hopefully hindi naman na po makatanggap ng ganitong message ang office,” pagpapatuloy ng paliwanag ni Ms. Regs.
Actually, nagpatawag pa ng presscon si Regine para sa announcement nila ng Silver Rewind at i-remind ang may mga hawak ng tickets na Dec. 25 ang deadline nang pagpapalit sa mga bumili sa kanyang concert last November kaya unfair naman talaga na akusan siya na hindi sila nagkaroon ng announcement o maging ang sister niyang si Cacai.
Handang-handa na ang Asia’s Songbird para sa nasabing concert sa Jan. 5 kaya walang rason para negahin pa siya lalo na nga’t bagong taon.
OMB tinatawagan ng pansin
Back to normal na ang showbiz. Bagama’t palabas pa rin ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF), malamang na may ilang pelikulang mawawala na sa mga sinehan.
Pero wala pang inilalabas na opisyal na kita ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Isang texter din ang nag-update na meron na raw pirated copies ang mga pelikula MMFF. Kung puwede raw ipaabot sa Optical Media Board o OMB na pinamumunuan ni Chairman Ronnie Rickets. Nagkalat na raw although hindi pa masyadong klaro ang kopya.
Naku, dapat itong maagapan para kahit paano ay hindi maapektuhan ang kita ng mga pelikula.