MANILA, Philippines - Malapit nang mapuno ng pag-ibig ang Pinoy primetime sa papalapit na premiere ng bagong drama series ng Kapatid Network na Never Say Goodbye. Ang sikta na mang-aawit at kompositor na si Ogie Alcasid ang umawit at nagsulat ng theme song para sa palabas.
Lalo pang kikiligin at mae-LSS ang mga manonood sa kantang ginawa ni Ogie, na kilalang nagpasikat sa lang OPM hits. Tiyak na kaaabangan hindi lang ang Never Say Goodbye kundi ang Ang Aking Puso na rin.
Ang Never Say Goodbye ay pagbibidahan nina Nora Aunor, Alice Dixson, Gardo Versoza, at Cesar Montano.
Ito rin ang kauna-unahang proyektong pagbibidahan ng Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert. Kasama rin si Edgar Allan Guzman sa cast ng naturang bagong drama.
Magsisimula itong umere sa Jan. 28 sa TV5.