Pinoy-made na smartphones ilalabas ng Pop Talk
MANILA, Philippines - May duda pa bang parte na ng buhay nating mga Pinoy ang cell phone? Ang usung-uso ngayong smartphones gumagawa rin ang mga Pinoy! Ito ang bubusisiin ng Pop Talk ngayong Bagong Taon — ang mga proudly Philippine-made mobile phones na gamit ang Android operating system, ang world’s leading smartphone platform.
Tatlong proudly Pinoy-made Android smartphones ang rerebyuhin sa Pop Talk: ang MyPhone A898 Duo, ang Cherry Mobile Flare, at ang Starmobile Astra. Kasama ni Tonipet Gaba sa pagrerebyu ay ang blogger at tech expert ng thetechnoclast.com na si Alexei Rivera, ang college student na gadget lover na si Krizzia Baring, at ang Kapuso celebrity reviewer na gadget enthusiast na si Rocco Nacino.
Huhusgahan nila ang tatlong Pinoy-made Android smartphones base sa criteria na features, design, at price. Alin kaya sa mga ito ang pop o flop?
Alamin ngayong Martes sa Pop Talk: Proudly Pinoy-made Smartphones, 10 p.m.sa GMA News TV.
- Latest