^

PSN Showbiz

Solenn ibinuking na bobo ang mga naging ex-BF!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Good friends talaga sina Solenn Heussaff at Isabelle Daza dahil pati sa pagbabakasyon, magkasama sila. Sumunod si Solenn sa Argentinian boyfriend niyang si Nico Bolzico sa Argentina para doon mag-New Year kasama ng family ng lalaki.

Ka-join ni Solenn na pumunta sa Argentina si Isabelle at ang BF nitong si Adrien Semblat at sa latest tweet ni Solenn na nabasa namin, ibinalita nitong pupunta sila sa Uruguay.

Very proud si Solenn sa BF dahil hindi umeeksena, hindi seloso pero very supportive sa career ni Solenn. “Very intelligent” ang description ng dalaga sa BF, kaya nakukumpara sa ex niyang mga bobo raw. Hahaha!

Samantala, tama lang na magbakasyon si Solenn dahil pagbalik niya, sasabak agad siya sa trabaho. Kabilang dito ang promo ng movie nila nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na Seduction ng Regal Entertainment na showing sa Jan. 30 at promo ng epic serye ng GMA 7 na Indio na pilot sa Jan. 14.

Intriguing ang description ni Direk Peque Gallaga sa karakter ni Solenn sa movie. “Fire” raw ang ito at bagay sa “Ass” character ni Richard. Pinaka-mature role ito ng dalaga at sinisigurong magugulat ang manonood ng movie sa mga ginawa niya.

Showbiz couple tuloy na ang paghihiwalay sa pagpasok ng bagong taon

Nakakagulat at nakakatakot ang mga hula sa Showbiz Rampa show nina Noel Ferrer at Shalala sa 103.WOW FM kahapon. Isa sa mga hula ay ang paghihiwalay sa 2013 ng isang showbiz couple na may mga anak.

Sabagay, hindi ito ang first time na hinuhulaang mag­hi­hi­walay ang showbiz cou­ple, mali ang hula dahil na­na­tili silang nagsasama sa pi­ling ng mga anak. But this time, si­guradung-sigu­rado ang manghuhula na sa papasok na taon, mag­hihiwalay ang showbiz couple.

Bigla tuloy naming na­alala ang kuwentong nakarating sa amin na sa nakaraang family event sa side ng aktor, wala ang aktres. Ang aktor at mga anak lang nila ang dumating at naki-party at napansing walang nagtanong sa immediate family ng aktor kung bakit wala ang misis nito.

Sana lang, busy ang aktres o may mas importanteng pinuntahan kaya hindi nakasama sa family event ng kanyang mister. Isa kami sa manghihinayang ’pag nagkatotoo ang hula na magkakanya-kanya na sila ng buhay sa 2013.

TV host-actress at aktor nagpi-flirt sa isa’t isa kahit may kanya-kanyang relasyon

Ang alam namin may nonshowbiz BF ang TV host-actress (TVHA) na ito, inamin niya sa press nang aming ma-interview, kaya nagulat kami sa nalamang nagpi-flirt ito sa aktor na nakasama niyang mag-guest sa isang show na kinunan outside Metro Manila.

Kumagat si TVHA sa playtime ng host ng show at komedyanteng kaibigan ng aktor at ibinigay ang contact number niya sa aktor. Bago matapos ang taping, close-close-an na ang aktor at si TVHA at tex­mate na.

Hanggang ngayon, nagte-text pa rin ang dala­wa, sana lang, hindi sila mahuli ng BF ni TVHA at misis ng aktor. Naku, ‘wag silang pahuhuli lalo na sa misis ng aktor dahil kahit playtime lang ang nangyayari at kahit magba-Bagong Taon, mag-iingay ito!

John James Uy palaban na sa 2013

May teaser na sa broadsheet ang pelikulang Juana Change na una namin narinig kay John James Uy, talent ni Jojie Dingcong dahil ang binata ang leading man ni Mae Paner. Political satire-comedy daw ang movie, sabi ni JJ at bagay sa 2013 elections.

Hindi lang alam ni JJ ang exact playdate ng movie na marami raw ang guests pero wala siyang nabanggit kahit isa. ’Kaloka!

Palaban sumagot si JJ, sana maging palaban din ang career niya sa 2013 dahil malaki ang tiwala sa kanya ng kanyang manager. Pumirma siya ng three-year contract sa TV5 at napanood sa Enchanted Garden. Siya rin ang leading man ni Yam Concepcion sa Viva Films movie na Rigodon.

 

ADRIEN SEMBLAT

AKTOR

BAGONG TAON

DAHIL

DIREK PEQUE GALLAGA

ENCHANTED GARDEN

ISA

JOHN JAMES UY

SHY

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with