Kim-Xian at Kathryn-Enrique, may double date sa year-end countdown ng ASAP 2012

MANILA, Philippines - Best of the best surprises at special performances ng taong 2012 ang ihaha­tid ng ASAP 2012 ngayong Linggo (Disyembre 30) sa bonggang year-end count­down na pangungunahan ng dalawa sa pinakatinitiliang teleserye love teams ngayon na sina Kim Chiu at Xian Lim, Kathryn Bernardo at Enrique Gil.

Bukod sa kilig suprises nina Kim, Xian, Kathryn, at Enrique, hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ng talento sa ASAP centerstage ang Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz at Francis Magundayao ng Aryana; Khalil Ramos at Sofia Andres ng Princess and I; at sina Jerome Ponce, Janella Salvador, Claire Ruiz, at Marlo Mortel ng Be Careful With My Heart.

World-class talent naman ang muling ipamamalas ni Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano sa kanyang paghataw ng ultimate dance moves ng 2012 kasama sina Billy Crawford, John Prats, Maja Salvador, Iya Villania, Gab Valenciano, Rayver Cruz, Sam Concepcion, Robi Domingo, at Bugoy Cariño.

Tunghayan din ang isa na namang mindblowing performance ni Toni Gonzaga sa T Zone; na susundan ng makapigil-hiningang dance number ng international Pinoy RnB sensation na si Billy sa B-Segment.

Samantala, saksihan ang tunay na galing ng mga Pinoy sa makatindig-balahibong concert extravaganza na inihanda nina ZsaZsa Padilla, Vina Morales, at Angeline Quinto; sa nakamamanghang inspirational treat ng Concert King na si Martin Nievera kasama ang Kapamilya child stars na sina Angelo Garcia, Noemi Oineza, Angel Sy, Belle Mariano, at Philip Nadela; at sa special performance ng ultimate heartthrob na si Piolo Pascual.

Abangan ang best of 2012 sa top OPM hits production number nina Christian Bautista, Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto, at ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra; top movie theme songs na aawitin ng ASAP Covers na sina Sam Milby, Yeng Constantino, Zia Quizon, Paolo Valenciano at Aiza Seguerra; at sa must-watch musical spectacle ng ASAP Sessionistas.

Show comments