Pagkatapos ng kanyang Silver Rewind na naka-schedule sa January 5, 2013 sa SM MOA Arena, hanggang sa Valentine concert nila nina Ogie Alcasid, Pops Fernandez at Martin Nievera billed Foursome pa lang ang schedule ni Regine Velasquez for next year. Wala pa siyang ibang plano sa kanyang career.
Ang New Year’s resolution nga nito’y makapag-spend ng more time with her son Nate. Na-guilty si Regine noong naghahanda siya sa unang Silver dahil kulang ang oras niya para sa anak. Nang hindi matapos ang kanyang concert, pag-uwi ng bahay, ang anak ang unang hinanap at nakipaglaro.
Wala rin namang offer na soap ang GMA 7, kaya concentrate si Regine sa Party Pilipinas, Hot TV at Sarap Diva. Okay sa kanya na Sunday lang siya nagtatrabaho at ang huling show ay taped.
Bukas, December 31, na ang balik nina Regine, Ogie at Nate mula Australia, kung saan sila nag-Pasko. Dito naman sila magba-Bagong Taon kasama ang respective families nila, after this, rehearsal na niya para sa Silver Rewind.
Relasyon ng beking celebrity sa malecelebrity, lantaran na
Going strong ang relationship ng isang beking celebrity sa BF niyang celebrity din. Halos hindi sila naghihiwalay at sa important occasion sa buhay ni BC, andun ang BF. At mukhang hindi nila itinatago ang relasyon dahil sa Instagram account ni BC, naka-post ang pictures nilang dalawa.
Pero hindi sila pag-iisipang may relasyon dahil “friends” ang pakilala nila sa isa’t isa. Kaya lang, alam sa showbiz kung mag-ano ang dalawang ito. Ayaw na nga lang magkontrabida ang friends ng dalawa at pinababayaan sila, lalo na si BC kung saan siya masaya,
Rhian nagpakita ng tiyan at cleavage sa Indio
Kinukuwento ni Rhian Ramos ang may pagka-sexy costume niya sa Indio, kita ang tiyan niya. Mahaba ang slit, kita ang cleavage, pero bagay sa kanya. Siya si Magayon, ang original name ng Mayon Volcano at Diwata ng lahat ng mga hayop na lumilipad at hindi rin siya tatanda.
TV5 bubuhayin ang mga dating pelikula ng Regal
Tila makikipagsabayan na ang TV5 sa ABS-CBN at GMA 7 pagdating sa soap opera at teleserye at makakapag-prodyus na sila ng mas maraming ganoong tema ng show dahil malilibre na ang primetime slot nila sa paglipat ng show ni Willie Revillame sa noontime slot.
Bukod sa Never Say Goodbye, narinig namin ang mga title na Ako Legal Wife na mula sa subtitle ng isa sa Mano Po series, Minsan May Isang Ina na parehong prodyus ng Regal TV.
Kasama rin ang Love of My Life na kung parehong tatanggapin, ang team nina Joel Lamangan at Eric Quizon uli ang director. Ang dalawa rin ang directors ng eco-serye ng TV5 na Enchanted Garden na hanggang January 4, 2013 na lang.
Siyanga pala, tumanggap ng karangalan ang Enchanted Garden mula sa DENR dahil sa paghikayat sa viewers sa patuloy na pangangalaga sa kalikasan. Kasama ang iba pang 26 awardees ng different government offices, ang eco-serye ng TV5 ang napansin ng DENR Environmental Law Enforcement Task Force (ELETF) dahil sa balanseng presentasyon ng environmental concern.