Baron may pasabog na gagawin!

PIK: Kasali na sa special guests ni Regine Velasquez si Jaya sa kanyang Silver Rewind concert na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City sa Jan. 5.

Iniiwasan ng Asia’s Songbird na pag-usapan ang isyung tampo ni Jaya dahil wala naman talagang isyu.

Bakit daw pinipilit na merong tampuhan, eh wala naman? Pero sa mga nakaraang panayam sa Queen of Soul, halatang meron itong tampo sa kanyang best friend pero ayaw na lang nilang palakihin.

Maayos naman silang magkasama Party Pilipinas at wala naman silang problema.

PAK: Pinagpipiyestahan ngayon sa Internet ang litrato ng isang hunk actor na hubo’t hubad kaharap ang laptop niya at may hawak na iPhone.

Hindi naman kita ang sandata ni hunk actor dahil natatakpan ito ng laptop.

 Kilalang teaser talaga itong si hunk actor at hanggang ngayon ay natsitsismis pa ring nagpapa-booking kahit malaki naman ang kinikita. Kaya napapagdudahan tuloy na kaya niya ginagawa iyon ay dahil sa ganung extra raket niya.

Hindi ko na madadagdagan ang clue kasi kaibigan ko naman ang manager ng hunk eh.

Nung nakausap ko ang kanyang manager, titingnan pa raw niya. Pero parang ayaw niyang maniwalang kaya iyong gawin ng alaga niya.

BOOM: Nakorner namin si Baron Geisler sa nakaraang Metro Manila Film Festival Awards Night para kausapin sa mga huling isyung pinagdaanan niya.

Iiwas sana itong magpa-interview dahil naaamoy naming nakainom ito. Pero sinagot naman kami.

Ayaw niyang magkomento tungkol sa isyu nila ni Divine Lee pero isa sa mga araw na ito ay meron siyang gagawin bilang sagot sa mga isyung ibinabato sa kanya.

Sabi ni Baron: “Basta sa akin, I’m not gonna take things lightly. Ayusin ko po, ayoko na pong magsalita pero magugulat na lang po sila sa mga aksiyon na gagawin ko at matutuwa po ’yung mga tao sa mga desisyon ko,

 “Ayoko na munang magsalita. Gusto kong ipakita sa kanila pero tuluy-tuloy pa rin ang trabaho, tuluy-tuloy pa rin ang blessings.”

Show comments