Nora Aunor walang alam na tanggal na ang kanyang pelikula sa mga sinehan

SEEN: Hindi aware si Nora Aunor na na-pull out sa mga sinehan ang Thy Womb dahil “wala akong alam” ang sagot niya sa mga nagtatanong sa kanya.

SCENE: Ang replay ng 33rd anniversary ng Eat Bulaga ang napanood kahapon sa No. 1 noontime variety show ng bansa.

SEEN: Para sa ‘Yo ang Laban na ‘To ang pamagat ng bagong public service show ni Congressman Manny Pacquiao sa GMA 7 na magsisimula na sa January.

SCENE: Si Ricky Davao ang direktor ng Forever, ang reunion project nina Heart Evangelista at Geoffrey Eigenmann na mapapanood sa GMA 7 sa susunod na buwan.

SEEN: Si Kenneth Stern ang member ng Philippine Volcanoes na nali-link kay Camille Prats.

Ang direktor na si Dominic Zapata ang isa sa mga masugid na manliligaw noon ni Camille.

SCENE: Ang sizzling hot trailer ng Seduction, ang sexy movie nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Solenn Heussaff na ipalalabas sa mga sinehan sa Jan. 30.

SEEN: Nakita sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo sa Kowloon, Hong Kong noong Biyernes. Nagbakasyon din sa Hong Kong si Kim Chiu at ang pamilya nito.

SCENE: Pre-taped ang interview ni Boy Abunda kay Dingdong Dantes sa Bandila kaya hindi napag-usapan ang best actor trophy na napanalunan ng aktor sa 38th Metro Manila Film Festival.

 

Show comments