New year’s resolution: Piolo gusto nang magka-love life; Gerald, hindi naniniwala!

Isang tulog na lang ay sasalubungin na na­ting lahat ang Bagong Taon. Marami sa ating mga ka­ba­bayan ang gumagawa ng listahan ng kanya-kanyang New Year’s resolutions at nagsusumikap na matupad ang lahat ng ito. Mayroon din namang mga artista na naniniwala dito at ang ilan naman ay hindi.

“Hindi ako naniniwala sa new year’s resolutions kasi every year nagbibigay ako ng New Year’s resolution pero hindi talaga natin alam kung anong nangyayari eh, kung natutuloy ba. When was the last New Year’s resolution na alam mo na parang ‘Uy, nangyari nga.’ Wala akong maalala eh. Ang hirap. Just live eve­ry year like it’s your last, ’yun na lang,” pahayag ni Gerald Anderson.

“Sa 2013 gusto ko mas healthy na pamumuhay para siyempre mas ma­lakas. Hindi masyadong mapagod agad. Mas pumili ng magaganda at challenging role, and gagawa na rin ako ng mga pang-festival na indie films. Isasama ko siya sa list ko. Hindi dapat matatapos ang taon na hindi ako gagawa ng indie films para pang-festival. Sana matuloy ’yung Korean indie film na ini-offer sa akin. Napanood nila ako sa Kalayaan ’tapos nag-offer sila ng movie na ako ang bida,” sabi naman ni Zanjoe Marudo.

“Opening na ng registration ng Ironman sa Cebu. Gusto ko mag-individual kung magkakaroon ng time mag-train. Eh wala. Ipapalabas ’yung soap, ipapalabas ’yung movie, mag-a-album promo ako. Wish ko ’yun. Magkaroon ng love life? ’Yang mga bagay na ’yan hindi pinangungunahan, darating at darating tayo riyan,” pahayag ni Piolo Pascual.

“I am looking forward to being mature. I am turning twenty five years old so, it’s about time to act my age. At the same time, hopefully, I know it naman eh basta husayan ko lang. I am sure 2013 will be just as fruitful as 2012,” sabi ni Jake Cuenca.

“I think every day should be a New Year’s resolution. Every day naman may gusto akong gawing bago because every day is an improvement for me. So my resolution’s just to work harder and to keep going as a person and as an artist,” saad naman ni Sam Milby.

Mark Mabasa, kasama sa New Year countdown

Isa si Mark Mabasa sa naging finalist ng The X-Factor Philippines Season 1 at ngayon ay unti-unti nang nakikilala sa larangan ng pagkanta. Su­mikat ang binata dahil sa revival niya ng hit song ng grupong Jeremiah na Nanghihinayang. Ma­tatandaang kumanta si Mark sa David Foster and Friends concert na ginanap sa Singapore kamakailan. Makakasama rin ang baguhang singer sa New Year Countdown to 2013 na gaganapin sa Eastwood City sa Quezon City bukas ng gabi.

Guests din sa nasabing event si Ely Buendia at ang international artist na si Iyaz. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments