Gamit ni Mariel nawala sa eroplano! Cielo de Angelina, nag-last taping na! Party P, babaguhin na rin

SCENE: Malungkot ang cast ng Cielo de Angelina ng GMA 7 dahil last taping ng kanilang programa ilang araw bago sumapit ang Pasko.

SCENE: Si Dante Mendoza ang production designer ng mga pelikula ni Chito Roño noong dekada ‘80. Pareho nang award-winning directors sina Chito at Dante.

SCENE: Kasali sa listahan ng Top Showbiz Stories ng 2012 ang kontrobersiyal na paghihiwalay nina Mo Twister at Rhian Ramos na pumutok noong December 2011 at pinag-usapan hanggang sa early party ng 2012.

SEEN: Ang balita na magkakaroon ng mga pagbabago sa Party Pilipinas ng GMA 7 sa 2013.

SCENE: Pinepersonal ng mga tagahanga ni Nora Aunor ang mga tao na nagsasabi na flop ang Thy Womb, tulad ng kanyang fan  na sinisiraan si Angel Locsin, gamit ang cell phone number  na 09394854527.

SEEN: Ang courtesy call kahapon ni Miss Universe 1st runner-up Janine Tugonon kay Manila City Mayor Alfredo Lim. Bumisita rin si Janine sa Department of Health at dito sila nagsayaw ng Gangnam  Style ni DOH Assistant Secretary Dr. Eric Tayag.

SCENE: Kahapon ang unang araw ng taping ng Kahit Konting Pagtingin, ang afternoon teleserye ng ABS-CBN na tinatampukan nina Angeline Quinto, Paulo Avelino, at Sam Milby.

SEEN: Hindi pa naibabalik kay Mariel Rodriguez ang kanyang bagahe na naiwala ng airline staff ng eroplano na sinakyan nila ni Robin Padilla  patungo sa Germany.

 

Show comments