^

PSN Showbiz

One More Try pulido ang pagkagawa!

SINE SILIP - Fort Yerro - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masalimuot ang mundong ginagalawan ng mga pangunahing karakter sa pelikulang One More Try.

Kumplikado dahil ang umiiral na katanungan ay: Pahihintulutan mo ba ang mister mo na makipagtalik sa dati niyang kasintahan kung sa pamamagitan nito ay masasagip sa tiyak na kamatayan ang isang bata?

Ito ang dilemma na binubuno ni Jacqueline (Angelica Panganiban). Bago pa man niya mapangasawa si Edward (Dingdong Dantes) ay nabuntis ni Edward ang katipan na si Grace (Angel Locsin). Nalaman na lang ni Edward na may anak siya makalipas ang ilang taon, nang dumulog sa kanya si Grace dahil may lumalalang sakit sa dugo ang bata at nangangailangan ng bone marrow transplant.

Bagamat si Edward ang biological father, hindi match ang marrow niya sa anak kaya ‘di siya puwedeng donor. Ayon sa gynecologist ni Grace, ang mapagkukunan lang ng matching marrow ay isang supling na bubuin nina Grace at Edward sa pamamagitan ng in vitro fertilization.

Bigo ang in vitro fertilization kaya isang solusyon na lang ang natitira: Ang pagbubuntis “the natural way.”

Para sa kapakanan ng anak ni Edward, pumayag si Jacqueline na ipahiram ang asawa kay Grace ng isang gabi. Nang ipinangako ni Grace na hindi niya guguluhin ang buhay ng mag-asawa, sagot ni Jacqueline: “Hindi ka makakagulo kung ang kukunin mo lang ay ang kailangan mo.”

Pumayag na rin si Tristan (Zanjoe Marudo), ang kasintahan, kahit na mabigat sa kalooban.

Sa una ay maayos ang napagkayariang sistema. Napalapit pa nga ang apat sa isa’t isa. Ngunit unti-unting nalusaw ang kanilang pagsasama nang hindi nagkabunga ang one-night stand nina Edward at Grace.

Mas lalong tumindi ang hidwaan nang malaman ni Jacqueline na naulit ang pagniniig ng dating magkasintahan at nabuntis si Grace. Siyempre nag-alburoto rin si Tristan.

Paano maisasaayos ang napakalaking gusot na ito?

Kung love triangle ito na gaya sa No Other Woman, na dinirek din ni Ruel Bayani, napa­kadaling tuldukan sana ang One More Try: Talo ang kerida, panalo ang esposa. Pero sa One More Try, mahirap maghusga. Isang buhay ang nakataya at upang sagipin ito ay kinakailangang isantabi kung ano ang moral o hindi.

Tatlong elemento ang nagpaningning sa One More Try: screenplay, direksiyon, at casting. Mula sa script ng batikang screenwriter na sina Kriz Gazman, Jay Fernando, and Karen Ramos, binigyan ni Direktor Bayani ng kakaibang sigla ang pelikula. At maituturing na casting coup ang pagta­tambal nina Dingdong, Angel, at Angelica.

Sa kabuuan, pulido ang pelikula, maganda ang daloy ng istorya, at walang nasayang na eksena.

Sa One More Try, may major contender ang Star Cinema sa Metro Manila Filmfest na puwede ring humakot sa takilya.  

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

DINGDONG DANTES

DIREKTOR BAYANI

EDWARD

GRACE

JAY FERNANDO

KAREN RAMOS

KRIZ GAZMAN

ONE MORE TRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with