Richard Gutierrez, tuhog sa Seduction at My Lady Boss

Co-produced ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films ang My Lady Boss, ang pelikulang balik-tambalan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera. Sabi ni Annette Gozon-Abrogar, Feb. 13 ang playdate ng movie na mas adult sa My Bestfriend’s Girlfriend.

Ang kuwento, rich guy si Richard pero gustong i-prove ang sarili sa kanyang family kaya magtatrabaho at magiging boss si Marian, middle class at bossy boss. After the holiday, ratsada na sa shooting sina Richard at Marian sa pelikulang mula sa direction ni Jade Castro.

Mauunang ipalabas ang Seduction nina Richard, Sarah Lahbati, at Solenn Heussaff sa Jan. 30 at dahil magkaiba ang tema ng dalawang pelikula, naniniwala si Ms. Annette na hindi makakaapekto sa box-office result ng My Lady Boss.

Ang alam palang ni Ms. Annette na kasama sa cast ng My Lady Boss ay sina Rocco Nacino, Petra Halimuyak, at Tom Rodriguez.

James Yap ipu-push na sports icon

Dahil wala ni isang talent niya ang present sa Christmas party for the press na ibinigay ng ALV Talents Circuit, Inc., si Arnold Vegafria na lang ang tinanong ng press ng update sa kanyang mga talent.

Gaya ni Carla Abellana na balik-primetime sa Mrs. Snowhite. Hindi alam ni Arnold kung sino ang leading man ng dalaga pero may nabasa kaming si Benjamin Alves ang makakapareha ng aktres sa fantasy/romance sa serye.

Si Andrew Wolfe will go into acting at may negotiation na siya sa two networks. Kung sino ang makapagbigay ng magandang kontrata, doon pi­pir­ma si Andrew na pang-leading man ang dating.

Si Baron Geisler ay tuloy ang treatment at para hin­i na maulit ang nangyari sa MVP Ball, suggestion ni Arnold sa pamilya ng aktor na lagi itong may ka­sama ’pag dadalo sa mga party para may pipigil na ’wag uminom.

May 60 plus talents na si Arnold at isa sa pinaka-latest ay si James Yap na iko-co-manage niya with Dondon Monteverde. I-establish nila ni Dondon na sports icon si James at sila rin ang pipili nang tatanggapin nitong endorsement.

Next year, maglo-launch ng new albums sina Kris Lawrence, Vincent Bueno, Isabelle de Leon, Sheila Valderrama, at Geneva Cruz. Ilo-launch na rin ang magpinsang Kiko Estrada at Jericho Ejercito, anak nina Gary Estrada at Laguna Gov. ER Ejercito.

JC de Vera hindi na ire-renew ng TV5?!

Nakausap namin si JC de Vera sa last taping day ng Enchanted Garden at maraming kuwento ang aktor. Hanggang March na lang ang kontrata niya sa TV5 at hindi niya alam kung ire-renew siya dahil hindi pa nagmi-meeting ang manager niyang si Annabelle Rama at Perci Intalan. Kung siya ang papipillin, gusto niyang mag-renew ng kontrata.

Ang alam ni JC, may isa pa siyang project bago mag-expire ang kontrata at gusto niyang bumalik sa drama at magkaroon ng chance to work with veteran actors para mag-grow din siya as an actor.

“Dumarami na ang talents ng TV5, mas malaki na ang opportunity to work with Nora Aunor,” sabi ni JC.

Three years na sa TV5 si JC at natutuwa na different roles ang ibinibigay sa kanya. Gusto niyang gumawa ng indie film at gumanap na kidnapper, drug addict, killer, at kung ano pa ang nababasa sa news. Inggit na inggit si JC sa mga kapwa aktor na nabibigyan ng chance na gumanap sa mga gustong role.

Samantala, sa piling ng pamilya nag-celebrate ng Pasko si JC, bago mag-New Year, naging tradition na niyang pumunta ng beach para mag-unwind. Naniniwala siyang positive ang dating kung bago ang New Year, happy ang environment at sa beach sa La Union niya ito nakikita.

Dion pinoproblema ang girlfriend na tumigil sa pag-aaral

Natawa pareho sina Dion Ignacio at Bela Padilla nang tanungin kung may posibilidad na magka-debelopan silang dalawa’t sila ang magkapareha sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Magdalena.

Ang sagot ni Dion, working relationship lang meron sila ni Bela dahil pareho silang in a relationship. Si Bela ay BF si Neil Arce at siya nama’y may nonshowbiz GF at pino-problema nga nito na tumigil sa pag-aaral ang nobya. Kilala rin niya ang BF ni Bela dahil minsan dumadalaw ito sa taping nila ng Magdalena.

Show comments