Zanjoe at Bea nagpapatayo na ng bahay!

Sana nga sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo na para hindi masayang ang ipagagawa nilang bahay soon. Mahirap ’yung may titirhan na kayo ’tapos hindi pala kayo ang mag-i-end sa isa’t isa. At may garden pa na mapaglalaruan ng magiging anak nila.

Kaya sana, sila na nga para maiba sila sa mga showbiz couple na hindi nagkatuluyan.

Delusyon ni Jake Vargas dinumog sa dalawang unibersidad sa Bulacan

Napanood sa dalawang unibersidad sa Malolos, Bulacan ang indie movie na ginawa ni Jake Vargas na pinamagatang Delusyon. Parehong dalawang screenings ang sabay na ipinalabas sa Bulacan State University at Bulacan Academy na pawang SRO o standing room only. Bawat eksena na napapanood ay pinapalakpakan ng mga manonood.

First indie movie ng young actor ang Delusyon na nasa direksiyon ni Buboy Neal Tan at tinatampukan din ng ka-love team ni Jake na si Bea Binene.

Tuwing makakatapos ang screening ay nagpaparinig ng isang awitin si Jake sa katuwaan ng maraming dumumog sa pelikula. Hindi pa man naipapalabas sa mga commercial theater ang pelikula ay mayroon na agad itong kasunod.

Bianca kinayang mag-isa ang sugatang puso

Kabuhayan Showcase ang tawag ng mga kasamahan ni Bianca King sa pelikulang Sosy Problems na sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, at Heart Evangelista sa kanya. Palaging nakatuon ang pansin nila rito habang ginagawa nila ang pelikula dahil alam nilang kabi-break lang nito kay Dennis Trillo.

‘Yun pala hindi nito kailangan ang alalay dahil kaya nitong dalhin ang kanyang sugatang puso. Very strong si Bianca na marami ang nagtataka kung bakit nakahiwalayan pa ng aktor. Si Bianca raw ang pinaka-perfect sa mga naging girlfriend ng aktor.

Mag-share…

Pasko na! Merry Christmas! Sana maligaya kayo na ipagdiwang ang ka­a­ra­wan ng Panginoon na magkakasama, walang sakit, at may nakahandang pagkain sa mesa. Kung sobra, let’s share it with others, dun sa mga wala. Mas ma­sarap kumain na alam mong may kinakain ang iba.

Huwag mo nang ilayo ang paningin n’yo. Siguruhin mo lang na may pinagsasaluhan ang mga kapitbahay mo. Bigyan mo kung wala. Makikita n’yo, magi­ging mas masaya ang Pasko.

Show comments