MMFF pinag-ipunan ng fans

Napagod ako sa parada ng Metro Manila Film Festival (MMFF) nung Linggo. Hindi ko pa pinuntahan ang mga karosa. Hinintay ko lamang ang pag­daan nila sa malapit sa Quirino Grandstand sa Luneta sa Maynila. I noticed, excited ang mga tao. Sabi nila, marami raw magagandang entry. At pinag-ipunan na nila ang mga tatlo rito.

Come to think of it, hindi naman talaga purita mira­sol ang mga Pinoy. Para sa isang mahirap na makapanood ng mga tatlong pelikula, aba, bigatin na ‘yun. ’Di na sila maituturing na poor. Kung sabagay, once a year lang  ang MMFF.

Grace Poe hindi dapat iniintriga sa ama

Magreklamo tayo kung ibang tao ang ginagamit na pantulong ni Grace Poe-Llamanzares sa kanyang kampanya. Tatay naman niya ’yun so bakit kayo nagrereklamo? Eh hindi naman mapasusubalian ang katotohanang ‘yun. So, bakit hindi niya gamitin?

Ryza dapat bigyan ng benefit of the doubt

Si Ryza Cenon naman ang sinasabing tiboli. Kung totoo, eh ano naman? Nakakapili ba tayo ng kasa­rian natin? Kapag nagkaisip tayo, ’yung kinagisnan na natin ang kung ano ang tinatanggap natin. Ilihis man natin sa una, lalabas at lalabas din ang totoo.

Give Ryza the benefit of the doubt. Baka nagagawan n’yo siya ng injustice. Please lang.

 

Show comments