Destiny!

MANILA, Philippines - Walang pangit na naaalala si Marian Rivera nitong 2012. Sobrang ganda ang deskripsyon niya lalo na’t pangatlo na niyang drama series ang Temptation of Wife after ng Amaya at My Beloved. Na-overcome na rin niyang lahat ang insecurities niya lalo na sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes na para sa kanya ay itinakda ng destiny.

“Naniniwala kasi ako sa sinabi ng mama ko eh. Ang tao kasi ’pag sinasabi mo na, ‘Ay, nagkataon lang siguro na nagkakilala tayong dalawa. Hindi. Para sa akin, destiny eh. Hindi nagkataon eh. Nangyayari kasi may dahilan.

“’Yun ang sinasabi kung anuman ang kapalaran mo, ganito, ay mayaman ka, nakaguhit na raw sa palad mo ’yan,” katuwiran ni Marian.

So, para sa kanya, si Dong na ang nakaguhit sa palad niya?

“Lagi naman eh. Alangan namang sabihin ko, hindi. Ikaw talaga! Hahaha!” bulalas niya.

Alam din kasi niyang hindi lahat ay kanyang mapi-please at merong mga taong patuloy magdya-judge sa kanya pagdating sa kanyang ugali. Ang ginagawa niya, base na rin sa payo ng manager na si Popoy Caritativo, huminga na lang at huwag nang mag-react upang hindi siya lumabas na talunan.

Nagawa rin niya ang Extra Challenge na first time niyang mag-host ng isang programa.

Pero ngayong Christmas, bibilhan ni Marian ang sarili bilang regalo sa pagtatatrabaho niya nang walang humpay.

Aiza walang balak kumandidato

Matindi ang suporta ni Aiza Seguerra sa Reproductive Health (RH) Bill kaya naman tuwang-tuwa siya nang maipasa ito sa Kongreso at Senado. Kahit showbiz ang pinasok nung una, added benefits lang ang ginawa niyang pag-arte at pagkanta at never niyang inisip na kailangang i-pursue ang dalawang mundo upang sumikat.

Dumating na rin kasi sa punto ang dating child wonder ng Eat Bulaga na meron nang advocacy sa buhay. Pero ayaw niyang pasukin ang pulitika.

“Ayoko naman kasi ng mga pulitikong ginagago tayo. ’Yung karapatan ng bata, babae, advocacy ko ’yan. Karapatan ng same sex couples, advocacy ko ’yan. Basta lahat tayo, may kanya-kanyang karapatan. Ako, ang pinaka-advocay ko is teach people. It’s okay to be different. You just have to respect one another,” paliwanag ng isa sa artista ng MMFF entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako. (Jun Nardo)

 

Show comments