Gov. ER hindi pumayag pabawasan ang El Presidente

Inamin ni Gov. ER Ejercito na gandang-ganda siya sa pelikulang Rizal na tinampukan noon ni Cesar Montano.

“Na-inspire ako sa buhay ni Dr. Jose Rizal na isinalin sa pelikula. Kaya isinumpa ko sa aking sarili na gagawa rin ako ng historical movie someday at naisakatuparan ito sa pamamagitan ng historical film na El Presidente: The Gen. Emilio Aguinaldo Story,” sabi ng actor-politician-producer.

Ginampanan ni Gov. ER ang karakter ni Gen. Emilio Aguinaldo na ang istorya ay mayaman sa research materials. Mahaba rin ang pelikula na inabot ng dalawang oras at forty five minutes dahil naniniwala ang buong produksiyon sa katotohanang inilalarawan sa istorya.

Sabi ng direktor na si Mark Meily, masisira ang essence nito kapag pinaiksian ang pelikula. ’Pag pinanood naman ang pelikula ay hindi maiinip ang mga manonood dahil bawat eksena ay may katuturan.

Bakit kailangang panoorin ang El Presidente lalo na ng mga estudyante?

Sa history books ay isinasaad na si Gen. Aguinaldo ay responsable sa First Philippine Republic, First Philippine Constitution, the Philippine flag, National Anthem natin, at bilang kauna-unahang pangulo ng Democratic Republic in Asia.

Dapat ding malaman ng mga estudyante kung totoo bang si Gen. Aguinaldo ang nagpapatay kay Gat Andres.

Ipinaliwanag din ni Direk Meily na 100% accurate ang execution ng pelikula dahil nag-research sila kaya hindi naging boring ang movie, realistic ang pagkakagawa at mabilis ang pacing.

Ipalalabas ito simula Dec. 25.

Excited din sa pagkukuwento si Gov. ER na desidido ring mag-artista ang anak na si Jericho Ejercito. Katunayan ay may inihahanda ng proyekto para ilunsad ito sa pagiging solong bituin via Ben Tumbling.

 

Show comments