Ted, pinasaya ang Pasko ng mga lolo at lola

MANILA, Philippines - Pahinga muna si Ted Failon sa pagpuna sa mga tiwali sa lipunan at magbabahagi muna siya ng tulong sa mga nanga­ngailangan bilang pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong Sabado (Dec 22) sa Failon Ngayon.

Problema sa tinutuluyang home for the aged ang aaksyunan ni Ted sa kaniyang pagbibigay ng isang dining at kitchen make-over sa mga lolo at lola sa Lualhati ng Maynila sa pakikipagtulungan ng United Architects of the Philippines Cavite Chapter.

Marami pa ang sorpresang hatid ng programa sa kanila sa kanilang simpleng tahanan sa loob ng Boystown Complex.

Maaring nakalimutan na sila o inabandona ng kanilang mga kadugo ngunit hindi sila makakalimutan ng Failon Ngayon ngayong Pasko.

Sa isyu ng ating mga nakatatandang malayo sa kalinga ng kanilang tunay na pamilya, may pakialam ka kaya panoorin ang buong report ngayong Sabado (Dec 22), 4:45 PM sa ABS-CBN.

May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2:00 PM.

 

Show comments