^

PSN Showbiz

Girlfriend isinakripisyo aktor lilipat sa ibang network para sumikat!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Punung-puno ang Cinema 9 at 10 ng SM Megamall sa Mandaluyong City nung isang gabi na kung saan ginanap ang premiere night ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako.

Pinagkaguluhan siyempre ang tatlong bidang sina Sen. Bong Revilla, Jr., Judy Ann Santos at Vic Sotto. Pero aliw na aliw ang mga tao kay Ryzza Mae Dizon na waging-wagi ang cha-cha dance niya.

Nag-enjoy ang mga manonood sa kabuuan ng pelikula at may pinauso na naman sila sa pelikulang iyon na dapat n’yong abangan.

Binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula.

PAK: Nagtataka ang boyfriend ni AiAi delas Alas na si Jed Salang kung bakit lagi siyang sinasama sa promo ng Sisterakas ni AiAi, eh hindi naman siya kasali sa pelikulang iyon.

Tuwing pinapag-promote si AiAi ng entry nila sa Metro Manila Film Festival (MMFF), lagi niri-request si Jed. Nabiro minsan ni Jed si AiAi, bakit hindi na lang siya isinali sa SIsterakas dahil lagi naman siyang nagagamit sa promo?

Pero wala raw ito talagang kahilig-hilig ito sa showbiz kaya okay na siyang nasa likod lang siya ng Comedy Concert Queen at laging nakasuporta.

Siyanga pala, nabigyan din ng CEB ng Grade B ang Sisterakas.

BOOM: Totoo kayang si aktor mismo ang nakipag-break sa girlfriend niyang isa ring aktres dahil gusto raw nitong sumikat?

Ang dialogue raw niya kay aktres, “I want to be a star. A big, big star!” Ganun?!

Pinangakuan daw kasi ng isang talent manager si aktor na pagkatapos ng kontrata niya sa mother studio niya ay ililipat niya ito sa katapat na network kung saan doon niya napasikat ang alaga niyang aktor.

Pero ewan ko lang kung papayag ang mother studio nitong unang aktor na umalis at baka papirmahin uli ito ng kontrata. 

 

BONG REVILLA

CINEMA EVALUATION BOARD

COMEDY CONCERT QUEEN

GRADE B

JED SALANG

JUDY ANN SANTOS

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA FILM FESTIVAL

PERO

RYZZA MAE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with