^

PSN Showbiz

Kahit hindi kasali James Yap, nakadagdag ng aliw factor sa movie nila Kris!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bidang-bida raw si James Yap sa pelikulang Sisterakas nina Ai-Ai delas Alas, Vice Ganda, at Kris Aquino.

James daw kasi ang pangalan ng isa sa mga character sa pelikula na ginagampanan DJ Durano at bilang alalay imbes na yes ang sabihin, parating yap ang binabanggit nito. So lutang na lutang daw ang pangalang James Yap.

Witty naman daw ang ‘pagkakasama’ ni James sa movie at nakadagdag ng aliw factor ayon sa nakapanood na pero ‘yun nga lang baka raw hindi ikaaliw ng ex husband ni Kris ang nasabing ‘role’ na pinaglaruan sa movie.

TV5, hindi na ire-renew ng kontrata ang mga alagang artista

True kaya na kakausapin sana ng management ng TV5 ang mga talent manager para formal na sabihin na wala silang ire-renew na contract sa mga artistang kasalukuyang alaga nila.

Pero bigla raw nakansela, dahil nahiyang baka naman kung ngayon sasabihin ay masira ang celebration ng Pasko at New Year ng mga artistang maapektuhan sa bagong move ng pamunuan ng Kapatid Network.

May mga binanggit na pangalan ang source na mawawalan ng regular na kita sa pagbabago ng sistema ng Singko, pero saka na.

Ipapaliwanag daw sana ng management ng TV5 ang mga nalugi sa kanila kaya nagdesisyon silang ‘wag nang i-renew ang mga kontrata ng kanilang mga artista.

Ang basa ng source ko, baka nabuwisit ang mga bossing nang network dahil may mga artista silang hindi nag-cooperate sa Christmas station ID.

Well, wait tayo sa mangyayari next year dahil sure na sure raw na may mala­king pagbabago sa TV5.

Director na hiniwalayan ng boyfriend, nabitin ang mga trabaho

Dumaan pala sa matinding depression ang isang director nang makipaghiwalay sa kanya ang boyfriend. ‘Yun daw ang rason kaya naapektuhan ang trabaho nito hanggang nabinbin nang nabinbin ang kayang bagong obra.

Talaga raw kasing dinamdam nito ang nangyari sa kanila ng karelasyon at nagtravel nang nag-travel at nakalimutan ang kanyang trabahong iniwan.

Luho ni Direk Chito sinunod sa shake…

Higit na pinili ni director Chito S. Roño ang gawin ang horror franchise na Shake, Rattle & Roll kesa sa ibang projects na in-offer sa kanya ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, Inc. Kahit alam niyang katumbas ng tatlong pelikula ang  Shake, Rattle & Roll Fourteen The Invasion! ang gagawin niya, walang reklamong narinig mula sa magaling na director ng horror films.

Siyempre pa, sinunod ng mag-inang Monteverde ang luho ni Chito sa tatlong episodes -  Ang Pamana, Lost Command, at Unwanted.  Kinumisyon ang mga first timer at premyadong writers ng SRR14  gaya nina Ricky Lee, Rody Vera, at Roy Iglesias.

Bawat episode ay hindi tinipid sa set, production design, special effects at iba pang gastusin sa shooting dahil history nga naman sa horror franchise ang 14th installment na isa lang ang director ng tatlong episodes.

Feeling nga ni Direk Chito, isang buong pelikula ang bawat episode at bilang dagdag na rekado, iba’t ibang look at period ang mapapanood sa tatlong kuwento. Ayon sa mahusay na director, inabot ng 10 hanggang 15 shooting days ang three episodes.

Eh, bigatin pa ang bawat cast ng episode.

Sa Ang Pamana episode, pinagsama-sama ni direk Chito ang panguna­hing stars ng mga episodes ng first SRR na sina Janice de Belen, Arlene Muhlach at Herbert Bautista. Upang magkaroon ng kakaibang tatak ang istorya, 80s ang setting nito kung saan binago ang hitsura, disensiyo at pananalita ng mga characters. Kasama sa cast sina Dennis Padilla, Dimples Romana, Fabio Ide, Empress, Ivan Dorschner, Gerald Pesigan, Eri Neeman.

Sa kagubatan naman ng Subic isinagawa ang shooting ng episode na Lost Command na nagtatampok sa tatlong bigating artista ng magkakalabang TV networks – Dennis Trillo, Martin Escudero, at Paulo Avelino. Very unique ang kuwento nito dahil mga ang mga sundalong hinahanap ng grupo nina Dennis ang siyang tumugis sa kanila’t isa-isa silang pinapatay!

Kabilang din sa cast ang episode sina JC Tiuseco, Alex Castro, Rommel Padilla, Ella Cruz, AJ Dee, Makisig Morales, Kenneth Salva, at Ronnie Lazaro.

Futuristic naman ang konsepto ng Unwanted kung saan unang magtatambal sila Vhong Navarro at Lovi Poe. Habang nakabaon sa lupa sanhi ng isang pagsabog sa mall na pinapasyalan nina Vhong at Lovi, mga bagong alien creatures ang nilikha sa episode na ito na gumagala sa ilalim ng lupa upang patayin ang mga nilalang na nabaon sa hukay! Kasama sa cast sina Carlo Aquino, Eula Caballero, at Albie Casino.

Sky is the limit ang budget ng Regal sa SRR 14 na makikita, madarama at tatatak sa mga manonood simula sa December 25. Ayon kay Chito, hindi kumpleto ang MMFF kapag walang Shake, Rattle & Roll.

“Parang Christmas light ang Shake, Rattle & Roll na tuwing dumarating ang Pasko, lagi itong ikinakabit ng tao. Gaya sa festival, hahanap-hanapin talaga ng tao ang horror franchise dahil puwedeng magkaroon ng ending ang bawat movie pero hindi ang Shake, Rattle & Roll!” pagmalalaki ni direk Chito S. Roño.

 

ALBIE CASINO

ALEX CASTRO

ANG PAMANA

ARLENE MUHLACH

CHITO

CHITO S

DIREK CHITO

JAMES YAP

LOST COMMAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with