^

PSN Showbiz

Cobra walk effective Janine dineklarang ikalawang pinakamagandang babae sa mundo, Miss USA kinoronahang Miss U

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinirang bilang ikalawang pinakamagandang babae sa mundo ang pambato ng Pilipinas na si Janine Tugonon matapos nitong makuha ang titulong 1st runner-up sa tinutukang Miss Universe 2012 na napanood via satellite mula Las Vegas, Nevada sa ABS-CBN.

Si Miss USA Olivia Culpo ang nag-uwi ng korona at siyang papalit sa Miss Universe noong 2011 na si Leila Lopes ng Angola. Kinilala naman bilang 2nd runner-up si Irene Quintero ng Venezuela, 3rd runner-up naman si Renae Ayris ng Australia, at 4th runner-up si Gabriela Markus ng Brazil.

 Agaw-eksena ang pigura at cobra walk ni Janine sa swimwear competition na nagpaabante sa kandidata ng Pilipinas sa Top 10.

Mas pinabilib niya pa ang mga manonood sa evening gown portion sa kanyang eleganteng pagrampa at kakaibang pose habang bahagyang nakataas ang kaliwang kamay.

Pagkapasok sa Top 5, sinigurado na ni Janine ang kanyang lugar sa kumpetisyon sa kanyang sagot sa tanong mula sa fashion photographer at huradong si Nigel Barker. Tanong ni Barker, na nakuha sa social networking site na Twitter, mahalaga raw ba na nagsasalita ng Ingles ang mananalong Miss Universe?

Bagama’t bahagyang naantala ang kanyang sagot sa gitna dahil sa hiyawan ng fans, walang pag-aalinlangang sinagot ni Janine na, “For me, being Miss Universe is not just about knowing how to speak a specific language. It’s being able to influence and inspire other people. As long as your heart wants to serve and you have a strong mind to show to people, then you can be Miss Universe.” 

Ito na ang pangalawang beses na nakuha ng Pilipinas ang puwestong 1st runner-up sa prestihiyosong pageant matapos itong unang makuha ni Miriam Quiambao noong 1999 kalaban ang nagwaging si Ms. Botswana. 

Dalawa pa lang ang Pinay na kinoronahan bilang Miss Universe sa kasaysayan: Una ay si Gloria Diaz noong 1969 at ikalawa si Margarita Moran noong 1973.

Si Janine ay isang 23 taong gulang na licensed pharmacist at nagtapos na cum laude sa University of Santo Tomas. 

Ito na ang ikaanim na taon simula noong 2007 na ABS-CBN ang kinilalang opisyal na tahanan ng Miss Universe sa Pilipinas. 

Magkakaroon ng replay ng Miss Universe 2012 pageant ngayong araw (Dec. 21), 5:00 p.m., sa Studio 23 at sa primetime telecast ng ABS-CBN ngayong Linggo (Dec. 23), 11:00 a.m.

Anyway, maraming umasa na si Janine na ang mananalo dahil nag-shine siya ng husto. Pero naudlot pa. Si Miss USA nga, ang kinoronahan. Eh siyempre nga naman ginanap ang Miss U sa Las Vegas kaya nabahiran ng pagdududa.

Ganun man, dapat na rin tayong magsaya at second placer siya.

Tigilan na ang protesta.

TV host ang chaka pag walang makeup

Ang chaka ng isang trying hard TV personality nang humarap sa isang event na walang makeup. Grabe as in wala pala siyang ganda ’pag wala siyang makeup at walang ayos ang buhok!

Samantalang ’pag may makeup ay ang dami niyang napepeke sa kanyang hitsura.

Bakit naman kasi naisipan ni female TV host na makipagtsikahan na walang kolorete sa mukha?

Nakakadismaya tuloy ang hitsura niya.                                                                 

 

GABRIELA MARKUS

GLORIA DIAZ

JANINE

LAS VEGAS

MISS

MISS UNIVERSE

PILIPINAS

SI MISS

UNIVERSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with