MANILA, Philippines - Tutok ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh sa GMA News TV dahil tuloy ang pagiging Santa Claus ng ating Mader Ricky.
Sa tulong ng mga opisyal ng Ricky Reyes Foundation ay ipapasyal ang mga ulilang bata ng Hospicio de San Jose, Caritas Manila at Caritas Quezon City sa Circle of Fun sa Kyusi Memorial Circle. Isinabay na rin sa kanila ang mga kabataang maysakit na pansamantalang inaalagaan sa ChildHaus.
“Ang Pasko’y di lang para sa mga batang nakaririwasa ang mga magulang. Dapat ding maranasan ng mga batang mahihirap at may karamdaman ang diwa ng Kapaskuhan,” sabi ni Mader RR.
Due to insistent demand ng mga ginang ay bibisitang muli ang culinary expert na si Ms. Lourdes Rivera ng Spices and Food Mix at ituturo niya on the air ang marami pang putaheng pang-Noche Buena at Media Noche na masasarap, madaling lutuin at garantisadung kaya ng bulsa.
Bilang regalo ng GRR TNT kay Jovita Galvez na may breast cancer ay siya ang aayusan ni Mader sa segment na Make Over Magic. Nang makita ni Jovita ang kanyang bagong anyo’y tila siya’y nabuhayan ng pag-asa at nagkaroon ng paniniwalang siya’y gagaling at isang araw ay idedeklarang survivor.
Mula sa Mexico ang mga kabayan nating sina Erica Garcia at Orlando Arroyo kung saan mga simpleng empleyado sila. ‘Di nila akalain na sa pagbalik sa bansa at sa tulong ng Cancun Unlimited Philippines ay magiging mas maganda ang kanilang buhay sa pagbebenta ng MX3 capsules, kape at tsa-a na galing sa wonder plant na Garcinia Mangostana.
Inanyayahan din sa programa ang mga miyembro ng Food Catering Association of the Philippines (FCAP) para ipakita ang iba-ibang paraan ng pag-aayos ng isang malaking venue para sa malalaking corporate Christmas party at simpleng preparasyon sa ating mga tahanan.