Kung dati ay walang nangangahas na humamon sa kakayahan ng isang Vic Sotto o Bong Revilla na maghari sa takilya, hanggang sa dumating si Aiai delas Alas na buong tapang na sumagupa sa kanila, ngayong MMFF 2012, silang tatlo pa rin ang walang takot na maghaharap para sa karapatang tawaging hari at reyna ng takilya. Habang ang mga kalaban nila ay nagpapagalingan sa pag-arte, ang tatlo ay nakatuon lamang sa magiging kita ng kanilang pelikula.
Sayang at hindi pa sila pinahintulutang magsama-samang tatlo, para ang labanan sa boxoffice ay masentro lamang sa kanila. Hindi pinayagan si AiAi na makasama ang dalawa at sa halip kay Vice Ganda siya isinama na maituturing ding malakas humatak ng mga manonood.
Pambata’t matanda ang Si Agimat.., at bagaman at isang comedy ang Sisterakas at baka ang klase ng pagpapatawa na gagawin ng tatlong major stars ay sentro para sa mga mas may edad na audience, hindi pa rin mapasusubalian ang magiging laban nito sa takilya. The other entries, like One More Try, El Presidente and Thy Womb will be fighting it out sa awards, at ang The Strangers at Shake Rattle & Roll 14 ay magpapagalingan sa pananakot sa mga manonood. ‘Yung natitirang Sosy Problems ay tina-target naman ang mga nakababatang moviegoers.
El Presidente, nagpa-party ipinasara ang isang bar!
Marami ang nagulat sa biglang pagsasara nung Martes ng hapon, hanggang gabi, ng Padi’s Point kung saan ang entertainment media were treated to a presscon/Christmas party ng prodyuser at stars ng El Presidente na pinangungunahan ng gobernador ng Laguna na si ER Ejercito.
Literally ay bumaha ng pagkain sa nasabing lugar. Hindi lamang ang loob ng kainan ang napuno ng tao kundi maging ang labas nito. Nakadagdag pa sa sikip ng lugar ang napakarami at mabultong kahon ng mga appliances na mapapanalunan sa ginawang pa-raffle. Walang hindi nanalo.
Ako na first time nanalo ng isang kabang bigas ay masamang-masama ang loob at halos mapaiyak ako nang mapilitan akong ibenta ang panalo ko. Bukod kasi sa wala akong makitang taksi, wala rin akong mautusang magbuhat ng isang kabang bigas ko. Ayaw namang paiwanan ito ng staff ng organizing committee at talagang pinuwersa akong alisin na ang bigas ko at dalhin na sa ibang lugar. When I decided to just leave it may lumapit at inalok bilhin ito ng P1000. May choice pa ba ako.
Billy, nagpa-lypo!?
Natawa lamang si Billy Crawford nang paratangan kong nagpapa-lypo at nagpapa-botox sa Calayan Surgicenter na kung saan ay isa siyang endorser.
“Hindi po Tita, skin care lamang ang service na kinukuha ko sa kanila. Wala pa naman akong kulubot na dapat tanggalin at yung taba ko ay naniwala ako sa pamamagitan ng workout,” anang artista sa nakipagsaya sa media sa Chritsmas party na ibinigay ng Calayan group.
Si Cristine Reyes ang pinaka-bagong endorser ng Calayan. Nakalagay sa press release na bagong endorser din sina Gabby Concepcion at Nora Aunor pero, si Cristine lamang ang ipinakilala. Kung kailan makikilala ang dalawa ay isa na naman siguro sa pinaghahandaan ni Doc Manny who has remained a friend of the entertainment press for the past years.