2012’s best ihahandog ng Born to be Wild
MANILA, Philippines - Ngayong panahon ng Kapaskuhan, break muna ang docs to the wild na sina Doc Ferds Recio at Doc Nielsen Donato para balikan ang pinakamagagandang kuwento ng Born to be Wild ngayong 2012.
Muling saksihan ang mga viper ng Batanes, ang mga cobra ng Bukidnon, ang mga buwaya ng Isabela, at maging ang mga kadidiskubre lamang na species ng monitor lizards o bayawak sa Palawan. Muli ring mapapanood ang mga kamangha-manghang balyena at dolphins, kasama ang interesanteng “alien fish,” at ang isang-linggong pamumuhay ng Born to Be Wild team sa isang sasakyang pandagat sa kanilang paghahanap sa tuna.
Bukod sa mga wildlife encounter, tinakalay din ng show ang iba’t ibang environmental issues ngayong 2012 — mula sa mga debate tungkol sa pagmimina hanggang sa kakulangan ng fresh water supply.
Maging ang reporter at diver na si Mariz Umali ay naging bahagi ng Born to be Wild sa kaniyang pagdodokumento ng open sea stories ngayong 2012. Ilan sa kanyang mga adventure — sea turtles sa Apo Island at ang Japanese shipwreck dive sa Malapascua sa Cebu.
- Latest