MANILA, Philippines - Nagwagi ng limang awards ang Kapamilya Network sa 12 Migration Advocacy and Media Awards (MAM). Ito ay mula sa anunsiyo ng Philippine Commission on Filipinos Overseas (CFO).
Nakuha ng ABS-CBN Corporation ang best TV show award (Episodic) para sa Krusada: Lipad ng Pangarap, ABS-CBN Channel 2/ DZMM Teleradyo/ANC hosted by Henry Omaga-Diaz; ang ABS-CBN Global ay nagkamit ng best film para sa A Mother’s Story, producer si Raffy Lopez, Director John-D Lazatin, at Writer Senedy Que; best documentary para sa Balitang America’s TnT, executive producer si Nadia Marie Trinidad; at best advertisement sa Bida ang Pasko On Duty, ABS-CBN Global.
Ang panel of judges sa MAM Awards ay pinamunuan ng CFO kasama ang ilang miyembro ng iba’t ibang migration at media institutions, kabilang na ang Philippine Migrants Rights Watch, Movie and Television Review and Classification Board, National Commission for Culture and the Arts, Presidential Communications Operations Office, National Press Club of the Philippines, International Association of Business Communicators, UP College of Mass Communication, and Blas Ople Center.