MANILA, Philippines - Sakto sa simoy ng Christmas sa lamig at malambing na boses ng Ultimate Heartthrob ng Pilipinas na si Piolo Pascual na muling ibibida ng aktor sa ikawalo niyang album sa Star Records at ikatlong installment ng certified platinum hit at award-winning album series niyang Decades. Ginanap ang grand album launch ng Decades III: Best of OPM sa ASAP 2012 last Sunday.
Tampok sa latest album ni Piolo ang revival ng 12 greatest Filipinos love songs na pumatok noong dekada ‘70, ‘80, at ‘90 kabilang ang Natutulog Ba Ang Diyos ni Gary Valenciano, Be My Lady ni Martin Nievera, Kailangan Kita ni Leah Navarro, Paminsan-minsan ni Richard Reynoso, Leaving Yesterday Behind ni Keno, Hindi Magbabago ni Randy Santiago, Ikaw Lang ni Chad Borja, Kapalaran ni Rico Puno, Kung Kailangan Mo Ako ni Rey Valera, Kastilyong Buhangin ni Basil Valdez, Sa Kanya ni Ogie Alcasid at ang carrier single na Ayoko Na Sana na unang pinasikat ni Ariel Rivera. Ang Decade III: Best of OPM album ay mabibili na sa record bars sa buong bansa sa halagang P350 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa www.mymusicstore.com.ph at sa iTunes.