Lip synch lang Daniel hindi memoryado ang kinakanta, halos isubo ang mic para matakpan ang lips!

SEEN: Halos isubo ni Daniel Padilla ang microphone para hindi mahalata na lip synch at hindi niya memoryado ang lyrics ng kanta sa duet nila ni Kathryn Bernardo sa ASAP noong Linggo.

SCENE: Guest kahapon si Christian Bautista sa Eat Bulaga Indonesia dahil naayos na ang problema niya sa Immigration. 

Mag-iisang taon na hindi nakabalik si Christian sa Indonesia dahil sa kawalan ng proper working permit sa show niya sa Lippo Karawaci, Tangerang noong January 2012.

SEEN: Hindi natuwa si Dingdong Dantes sa Instagram post ni Justin Bieber tungkol kay Congressman Manny Pacquiao. Para kay Dingdong, naging irresponsible si Justin.

SCENE: Nagdiwang ng 79th birthday sa Vera-Perez Gardens noong Linggo ang veteran actress na si Gloria Romero. Maliga­yang-maligaya si Gloria sa surprise birthday party na inihanda ng mga nagmamahal sa kanya.

SEEN: Masyadong sosyal ang promo slant ng Sosy Problems ng GMA Films. Hindi makaka-relate ang masa na nangunguna sa pagtangkilik ng mga pelikulang Pilipino.

SCENE: Isang taon na ngayong December, ang nakalilipas mula nang magkaroon ng traumatic experience si Rhian Ramos sa kamay ng kanyang ex-boyfriend na si DJ Mo Twister. Nag-move forward na si Rhian.

SEEN: androloterte@yahoo.com,brandosy@ymail.com at ashleyslmrn@gmail.com ang mga e-mail address na ginagamit ng mga e-mail sender na nagbabanta sa buhay ng mga artista ng ABS-CBN.

SCENE: Mga kasiraan nina Julie Anne San Jose at Bea Binene ang mga ikinakalat ng texter na may cell phone number na 0927-6785031.

Show comments