Ben 10 Omniverse mapapanood na sa TV5

MANILA, Philippines - Isa na namang fun-tastic at action-packed adventure ang mapapanood sa TV5 sa pagsisimula ng TV5 Kids Presents Cartoon Network’s Ben 10 Om­niverse ngayong Disyembre 17.

Kilalanin ang 10 bagong aliens na mami-meet ni Ben, pati na ang kanyang bagong sidekick na si Rook. Samahan sila sa kanilang misyon sa isang sec­­ret underground alien city. Ano kaya ang kakaha­ra­pin nina Ben at Rook sa pagpunta nila sa Undertown?

Huwag pala­lam­pasin ang adventure ni Ben at mga kasama simula ngayong Lunes, 10 a.m., sa TV5.

 

Show comments