Sen. Bong hinihintay nang maayos ni Jodi ang annulment para tuloy na ang ligaya kay Jolo

 

MANILA, Philippines - Natutuwa si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. kay Jolo Revilla dahil nakikita na niyang masaya na ang anak. Ito ay dahil kay Jodi Sta. Maria at nakikita niyang maaliwalas parati ang mukha ni Jolo.

“He’s happy. Bilang ama, ramdam ko naman iyon. Si Jolo kasi iba kung magmahal ‘yan. Nagmana lang sa atin,” sabay tawa ni senator-actor.

Naikuwento nga niya na nakakasama nila paminsan-minsan si Jodi sa mga lakad nilang pamilya.

“Oo naman. Kapag may time si Jodi, nakakasama siya sa amin. I can see that they are very happy together.

“Malaki ang ipinagbago ni Jolo noong makasama na niya si Jodi. Mas nakikita ko ngang happy ang anak ko,” sabi ni Sen. Bong.

Ang hiling lang daw niya ay ang maayos na ni Jodi ang annulment sa kanyang estranged husband na si Pampi Lacson.

“Para lang maging maayos ang lahat. ‘Yung walang hassle. Mas maganda ‘yung walang problema, eh. Para tuluy-tuloy ang magandang samahan nila,” say pa ng ama ni Jolo.

Nabanggit nga ni Sen. Bong ang tungkol sa annulment dahil may nakarating sa kanya na may nasabi si Jolo na handa na itong magpakasal sa babaeng mahal niya. At si Jodi nga iyon.

“Kung gano’n nga, wala naman akong pagtanggi diyan. Si Jolo ay nasa tamang edad na. May sarili na rin siyang pamilya at kulang na lang ay ang magiging misis niya.

“Yun nga, sana ay maayos na ang annulment ni Jodi. Ayaw din namin na magkaroon sila ng problema in the future. Kaya ayusin na ang mga dapat ayusin,” diin pa niya.

Magkasama ang mag-ama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako with Vic Sotto and Judy Ann Santos.

Sa 2013 kasi ay magiging  busy na ang mag-ama sa kanilang kampanya. Si Jolo ay tatakbo for vice governor ng Cavite at ang misis ni Bong na si Rep. Lani Mercado ay for re-election sa Bacoor, Cavite.

“Magiging busy kaming lahat sa campaign nilang dalawa. Kaya ngayon pa lang todo na ang promotion namin sa movie.

“Sa January naman ay ipapalabas na ang Indio, my first big teleserye for GMA 7. Aba­ngan nila kasi may ipapakita na silang trailer ng Indio sa mga sinehan during the MMFF run,” paanyaya pa ni Sen. Bong.

Pacman bumaba na ang rank sa pagkatalo kay Marquez

Dahil sa pagkaka-knockout ni Rep. Manny Pacquiao sa huling laban nila ni Juan Manuel Marquez, bumaba ang rank nito sa pound-for-pound list ng Ring Magazine. Nasa No. 7 siya at ang nakakuha ng dati niyang puwesto sa No. 1 spot ay si Floyd Mayweather, Jr.

For the first time ay naungusan na si Pacman ng isa pang Pinoy boxer na si Nonito Donaire, Jr. Nasa ika-sixth place na siya pagkatapos niyang ma-knockout ang Japanese boxer na si Toshiaki Nishioka noong Oct. 31.

Dahil sa panalo ni Marquez, umakyat naman itong No. 3 sa pound-for-pound list.

Kung nais bumalik ni Pacman sa pagiging number one, kaila­ngan ay matalo niya si Marquez sa susunod nilang paghaharap sa boxing ring, ‘yun ay kung matutuloy nga ang laban nila.

Hindi lang sa Ring Magazine bumaba ang ranking ng Pambansang Kamao kundi pati sa Sports Illustrated. Mula sa No. 2 ay bu­maba si Pacman sa No. 6. 

                                                              

Show comments