“Matagal nang nagkakatapat ang aming mga programa, hindi big deal sa akin at mga kasamahan ko kung tapatan niya kaming muli kahit sa kanya na mismo nanggaling na hindi hindi niya ito gagawin. ’Yun ang gusto niya kaya okay lang sa akin,” anang TV host na abala rin sa postproduction ng kanyang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.
Marami ang nagtataka na kung kailan ay nagkaayos na ang TV5 host at ang host ng Eat Bulaga at saka naman sinisimulan muli ni Willie Revillame ang kumpetisyon sa pagitan nila sa pamamagitan ng pagtatapat ng bago niyang programa sa may tatlong dekada ng imeereng programa ng Dabarkads.
Pero walang pagkabahala sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga. Matagal nang nagaganap ang kumpetisyon sa pagitan nila ng dating Kapamilya host kaya sanay na sila sa ganitong labanan.
“It’s nothing new and expected,” dagdag pa ni Bossing Vic.
Piolo bulag at bingi na sa mga nega
Sa halip na paapekto sa mga negang balita tungkol sa kanya, mas itinutuon ni Piolo Pascual ang kanyang pansin sa mga bagay na mas makapagpapaangat ng kanyang buhay at career. Tulad ng sports at musika.
Kilala na ang kalibre niya bilang atista. Walang maipupuna sa kanya pagdating sa trabahong ito kaya naman panay ang kanyang pagsasanay para maiangat naman ang kanyang sarili bilang singer. Hindi naman siya nabibigo dahil makaka-tatlong album na siya ng Decades III. Pang-walong album na itong nagagawa niya at ayon sa Star Records ay bumebenta nang husto ang mga recordings niya.
Certified platinum ang naunang dalawang Decades album at nagtatampok ng 12 love songs nung ’70s, ’80s, at ’90s tulad ng Natutulog Ba ang Diyos, Be My Lady, Kailangan Kita, Paminsan-minsan, Leaving Yesterday Behind, Hindi Magbabago, Ikaw Lang, Kapalaran, Kung Kailangan Mo Ako, Kastilyong Buhangin, Sa Kanya, at ang carrier single na Ayoko Na Sana.
Bukod sa pagkanta, walang pahinga sa ensayo si Piolo para sa sport na triathlon. Dito ay nakakasama niya sa mga ensayo at kumpetisyon ang mga kapwa niya Kapamilya actors.
When asked about his reaction sa mga kanegahan tungkol sa kanya, sinabi niyang “Hindi ko na lamang pinapansin at hindi na ako nagbabasa ng tungkol sa showbiz.”
Nay 1-1 hindi pa halos nakaka-isang buwan!
Ang bilis namang pinutol sa ere ang Nay-1-1. In fairness sa show, marami naman ang nanonood nito at hindi sapat ang napakaikling panahon para masabi na poor ang ratings nito. The show should have been given more time. Unang-una na, naghahanap pa ito ng tamang slot.
I sympathize with Jaya and Gladys Reyes, hindi nila kaalanan kung maagang nawala ang show. Magaling naman silang host, bagay sila sa show. Iniisip ko lang na dapat binigyan pa sila ng oras para masanay ang manonood sa kanilang show. Bakit pinutol agad?