MANILA, Philippines - May ebidensiya ang kaligayahan ni Angelica Panganiban sa piling ni John Lloyd Cruz. Parang ang lusog-lusog niya kahapon sa ASAP 2012.
Aba, kailangan niyang mag-control or else baka maging chubby siya at ’pag tumaba siya ng husto ay magkahiwalay sila ni John Lloyd.
In Nomine Matris ipo-promote ang kulturang Pinoy
Pasko talaga ang panahon na nagbabalikan sa bansa ang mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa. At isa rito ang kababayan nating si Liza Dino na lakas-loob na sinugod ang congested na local airport at dumating sa Manila na masaya.
Ang rason: Meron siyang bagong pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012.
Produced by Hubo Productions in association with Trinity Hearts Media with Spanish Embassy, Instituto Cervantes, ang In Nomine Matris (In the Name of the Mother) ay isa sa limang pelikulang kasali sa MMFF’s New Wave Cinema category.
Gagampanan ni Liza ang character ni Mara, a young dance protégé who seeks to land the principal part of a dance company but soon found herself at a crossroad, forcing her to face her mentor and her mother as she searches for answers. At nagsimula ang struggle ng kanyang character nang magsalpok ang kanyang perfection sa kanyang passion.
Fresh from a Harvest of Honor Award (Ani ng Dangal) mula sa Office of the President at best actress award galing naman sa isang film festival sa New York, kakaibang Liza na naman ang mapapanood sa In Nomine Matris.
“The movie is about dance and love. The film is a fusion of Flamenco and our indigenous Philippine dances like Pandanggo sa Ilaw and Singkil,” sabi niya.
All original din daw ang ginamit nilang sound scoring, using the Flamenco ‘compass’ but Kundiman style with a touch of Maguindanao tradition sa paggamit nila ng kulintang.
“It’s our chance to expose Filipino families to extraordinary filmmaking that does not only entertain, but also educates us about culture,” dagdag ni Liza.
Starring din sa pelikula si Biboy Ramirez na isa rin sa mga bida. The movie is written and directed by Will Fredo.
Magkakaroon ng premiere night ang movie on Dec. 18 at the Glorietta Cinema 3, 7:00 p.m. Regular showing at Glorietta Cinema 1 from Dec. 19–22.