Jessy gustong magka-career sa South Korea

Nahihiyang na si Jessy Mendiola sa South Korea. Ito ay matapos niyang manatili sa nasabing bansa para mag-pictorial para sa cover ng isang magazine na sa first quarter pa ng 2013 lalabas.

“Ang ganda ng Korea at ang lamig-lamig pa,” sabi ng young actress.

Nagbabalik lamang sa Korea si Jessy. Nanggaling na siya roon ilang buwan na ang nakakaraan nang maging kinatawan ng bansa sa event na World Date with Shinee na itinaguyod ng Korean Broadcasting System (KBS). Marami ang nakatanda sa kanya kung kaya mainit pa rin nila siyang sinalubong at kinamusta.

Gustong magtrabaho ni Jessy sa Korea. Kapag may nag-alok sa kanya ng trabaho, sa pelikula man o telebisyon, ay hindi niya tatanggihan. When asked kung wala bang naakit sa kanyang Koreano sa pagtigil niya, ngiti lamang ang tanging naisagot niya.

“Mahirap siguro ang ganung relasyon. Mahirap i-maintain. Pero kung meron man, focused ako sa work ngayon. Saka na ang love life, kapag talagang established na ako,” sabi niya.

Si Matteo Guidicelli ba ay nanliligaw sa kanya?
“We’re just friends. Nami-misunderstood lang ’yung closeness namin dahil magkasama kami sa Paraiso. Kailangan naming maging close at good friends. Kung hindi paano namin mapapangatawanan’yung role namin sa series. Work lang ’yun, nothing personal,” paliwanag niya.

Jolo ’di insecure

Kung inaasahan ng marami na pagseselosan ni Jolo Revilla ng napakagandang samahan at chemistry ng rumored girlfriend niya na si Jodi Sta. Maria at ng kapareha nito sa Be Careful With My Heart na si Richard Yap ay walang ganitong feeling ang batang pulitiko na nagsabing okay ang relasyon nila ng aktres.

“Hindi ako nag-aalala, may asawa siya (Richard). Buo at okay ang pamilya niya. Pero ’yung tungkol sa amin ni Jodi, ibalato n’yo na muna sa amin ’to. Sa tamang panahon ay magsasalita rin kami. Sa ngayon masaya kami kung anuman ang meron kami,” sabi ng aktor/pulitiko na kasama sa cast ng pang-filmfest na pelikula ng kanyang ama na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

Walang plano ang dalawa for Christmas. Pareho silang dapat ay kasama ng pamilya niya sa araw na ito.

 

Show comments