May kondisyon pa si Gov. Vilma Santos para lang pumayag na gumawa ng movie with Nora Aunor. Kailangan daw ng magandang script na sigurado ako na maski na si Nora ay ire-require rin. It goes without saying, ’di ba?
Dapat talaga makakatulong sa kanilang dalawa ang gagawin nila at mapapanatili ang posisyon na na-establish nila. Wala naman sigurong producer ang magkakalakas ng loob na gawan sila ng pipitsuging pelikula. Bago pa mangyari ito, boldyak na sila.
Let us just hope na matuloy ito, na magkaroon din ng time si gobernadora na magawa ito at maisingit sa kanyang trabaho bilang ina ng Batangas.
El Presidente tatlong oras uupuan
Tatlong oras akong uupo para lang mapanood ang El Presidente? Aba, hindi nagtipid ang prodyuser ng movie ha? At dahil may magandang record sa paggawa ng pelikula na dapat i-maintain ang mga produ kung kaya nakasisiguro tayo na maganda ang movie.
Nandun pa si Nora Aunor. Not to mention ’yung napakagandang role ni Gov. ER Ejercito na sinasabing worthy of a best actor award.