PIK: Bukas na huhusgahan ang mga bagong bagets ng GMA 7 sa bagong programang Teen Gen pagkatapos ng Party Pilipinas.
Ang pinaka-excited yata sa programang ito ay ang mag-asawang Sen. Bong Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado para sa kanilang anak na si Gianna.
Tuwang-tuwa sila para sa kanilang anak dahil ang laki raw nang in-improve nito nang magsimula itong mag-taping sa naturang show.
Gustung-gusto raw kasi ni Gianna na pasukin ang showbiz, pero dapat priority pa rin ang pag-aaral.
PAK : Ayaw nang magkomento ni Jacklyn Jose tungkol sa isyu ng anak niya at ni Jake Ejercito dahil gusto na raw manahimik ng anak niya.
“Pagdating sa lovelife ni Andi, I don’t wanna talk about Jake na rin.
“Lahat naman ‘yan maaayos, ayoko nang ma-pressure sa kanya (Andi), saka sana medyo bawas-bawasan niya ‘yung pagsasalita,” pahayag ni Jacklyn.
Kahit ang ama ni Andi na si Mark Gil ay gusto na ring manahimik ang anak niya. “Focus on your career. Focus na lang kay Ellie, dahil si Ellie ang mundo mo. ‘Yung mga love-love na yan darating ‘yan,” pahayag ng aktor.
BOOM: Tahimik at ayaw talagang magsalita ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto kaugnay sa napabalitang gulo sa Medical City kamakalawa ng umaga.
Kumalat ang balitang nagwala raw si Claudine sa Medical City kung saan pinagsisigawan daw nito ang isang doktor at ang ilang staff sa naturang hospital.
Ang nakarating pang kuwento, sumugod daw doon si Raymart para awatin si Claudine, pero hindi raw ito napigilan.
Hindi ito nakumpirma dahil walang gustong magsalita lalo na ang mag-asawa.
Pero reliable ang nagparating na nakasaksi sa naturang pangyayari.
Sinubukan ng ilang media na kontakin si Raymart pero hindi ito sumasagot sa mga tawag.