Paskong gandang Ricky Reyes, todo na!

MANILA, Philippines - Tuloy pa rin ang pamimigay ng regalo sa Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV.

Dalawang babaing nakalbo matapos mag-chemotherapy dahil may cancer ang bibigyan ng bagong anyo at kagandahan sa programa.

Magbibigay si Mader Ricky ng mga recipe na masarap at kaya ng bulsa para pagsaluhan sa Noche Buena. Pati pag- aayos ng dinner table na may diwa ng Pasko ay ipakikita rin ng host- producer.

Good news para sa may malulubhang sakit ang ihahatid ng mga nakasubok na sa wonder drug na MX3 capsule, tea and coffee na mula sa halamang Garcinia Mangostana. 

Ililibot din kayo sa iba-ibang lugar ng bansa na may iba-iba ring tradisyon sa Pasko.

Show comments