Angeline naghahanap ng boyfriend

Sa kabila ng tagumpay, wish ni Angeline Quinto na magkaroon na ng love life. She feels handa na siya, at excited na siyang maligawan. ‘Yun nga lang dahil girlie siya, kailangang maghintay siya, ‘di puwedeng siya ang maghanap ng guy, ang kailangan lang ay maghintay siya. Pero gusto niya ay soon na sana. Bagaman at nakakakuha siya ng inspirasyon sa kanyang family, she believes na ibang high ang maibibigay sa kanya ng isang lalaking magmamahal sa kanya. Meron na rin namang mga nagpaparinig at nagpapakita ng interes, pero the move should come from them. Doon niya mapapatunayan kung gusto nila siya.

Pacman namigay pa rin ng pa-raffle

Natapos na rin nung Huwebes ng gabi ang mga Christmas party na ibinibigay ng mga network para sa press. Huling nag-host nito ay ang GMA 7 na ginanap ang party sa isa sa mga bago nilang studio. K Pop o Korean Pop ang tema ng party kaya marami sa press ang dumating na naka-K Pop, na kung hindi rainbow ay neon color ang mga kulay ng damit, naka-shades, Barbie wig, naka-boots at umiindak sa tunog ng Gangman.

Hindi ang napaka-sarap na hapunan ang nagsilbing highlight  ng selebrasyon  kundi ang mahigit sa kalahating milyong piso na ipina-raffle. Hindi pa kasama rito ang P300,000 na ipinadala ni Manny Pacquiao na marami ang binigo sa hindi niya pagdating.

Pinangunahan ng pangulo ng network  na si Atty. Felipe Gozon  ang pagtanggap sa mga bisita. Kasama niya ang iba pang bossing ng Kapuso na sina Jimmy Duavit, Butch Raquel, Lillibeth Rasonable, at iba pang matatas na tauhan ng network.

True to its theme na K Pop, nagsawa sa kasasayaw ng Gangnam ang mga press people sa pangunguna ng dalawang DI na talagang inimporta para magturo ng nasabing sikat na sayaw ng pinauso ng isang Koreano.

Talagang napakamalas ko lamang dahil last Christmas party na ‘yung nadaluhan ko sa GMA pero, umuuwi akong talunan. No amount of wishful thinking at maski na dasal ang nagbigay sa akin ng pinapangarap kong panalo. 

Next year, aasa na naman ako. Kung malas pa rin ako, okay lang, kaya nga gusto kong puntahan ay ‘yung may inihandang programa dahil nasisiyahan ako, nakakalimutan ko na wala akong swerte sa raffle.   

Merry Christmas na lang sa GMA 7 at salamat sa ipinagkaloob nilang good time.

Gusto n’yo bang mag-artista

May isang produksiyon ng pelikula ang naghahanap ng isang gaganap ng mahalagang role ni Va­len­tin sa Halik ng Tarantula. May audition na gaganapin sa Disyembre 17-19, 1:00 hanggang alas-5:00 ng hapon, sa Amerasian Recor­ding Studio, #61 Scout Madrinian, St. Triangle, Diliman, QC. Kailangang 25-35 years old ang mago-audition. Magdala ng 5x7 colored photo, full body at close up, samahan na rin ito ng biodata. Tawagan si Anita, 09192524162 o si Kathy, 09279444428.

Justin hindi pa napapatawad ng fans

Ang dami talaga ang nabastusan sa ginawang pagkokomento ni Justin Bieber tungkol sa naging pagkatalo ng ating People’s Champ na si Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez. Ang nakakainis ay ang kawalan ng guilt ng batang sensation sa kanyang ginawa. Kahit idolo niya si Floyd Mayweather, hindi niya dapat minamaliit ang mga itinuturing niyang lesser boxer than Mayweather, tulad ni Manny.

Mabuti na lamang at hindi siya sineryoso ni Manny. Pinatawad pa siya nito sa kabila ng kanyang mga ginawa. Pero maraming Pinoy ang hindi ka­sing-mapagtawad ni Manny.

Allan Paule, pagtutuunan ang edukasyon

Ikinampanya ni Allan Paule ang pelikula niya na nagtatampok kay Laguna Gov. ER Ejercito, ang El Presidente na kung saan ang role niya ay ‘yung kay Gen. Tomas Mascardo. Kahit supporting lang ang role niya at umabot ng walong araw ang trabaho niya sa nasabing movie na pinaniniwalaan niyang maghahakot na naman ng award. Pero kung may award siyang malamang ay mapanalunan, ito ay sa isa sa dalawang indie movie na ginawa niya para rin sa MMFF. Ito ang Gayak ni Ronaldo Bertubin. Sinasabing magiging malakas ang laban niya bilang Best Actor para sa nasabing movie. Maganda rin ang role niya sa ikalawang indie movie niya, ang Ad Ignorantiam.

Kapag nanalong konsehal ng Muntinlupa (yes kandidato siya), ang komite sa edukasyon ang pamumunuan niya.

Martin bibida sa MMK

Hindi pa rin matinag sa national TV ratings ang longest-running drama anthology sa Asya na Maalaala Mo Kaya. Base sa pinakahuling datos mula sa Kantar Media, nagrereyna pa rin sa timeslot nito ang 2012 Anak TV Seal awardee taglay ang 27.2% national TV rating.

Samantala, isa na namang nakaaantig na kuwento ng pagpupunyagi at tagumpay ang itatampok ngayong gabi sa MMK. Pagbibidahan ito ni Martin del Rosario na gaganap bilang si Ben, ang binatang hinarap ang lahat ng pagsubok at tiniis ang pangmamalatrato ng kanyang mga kamag-anak maabot lamang ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

 

Show comments