PIK: Bukod sa pagkanta, at pagiging active na lead vocalist ng bandang Pupil, sinubukan na rin ngayon ni Ely Buendia ang pagdidirek.
Pumirma ito kamakailan lang ng kontrata sa Curve Entertainment bilang solo artist.
Hindi pa naman niya tuluyang iiwan ang bandang Pupil pero susubukan din ni Ely ang mag-solo via his first solo album na iri-record sa Curve.
Dito rin binigyan ng pagkakataong makadirek ang rock icon, at ang una nitong ginawa sa Curve ay ang triology na Bang, Bang Alley. Si Ely ang nagdirek ng isang episode na pinamagatang Pusakal.
PAK: Waging-wagi talaga ang pinausong Cha Cha ni Ryzza Mae Dizon dahil kahit saan ito magpunta ay napapasayaw niya.
Nang mag-perform ito sa event ng Garfield nung nakaraang Linggo, pinatayo niya ang lahat pati ang ilang batang models na nag-perform doon para sumayaw ng Cha Cha.
May ilan pang child stars ng ABS-CBN 2 ay napasayaw ni Ryzza Mae. Tanging si Mutya Orquia lang ang hindi napalabas para makisayaw ng Cha Cha kay Ryzza Mae.
Kaya hataw sa ilan pang events ang bagong child wonder na ito ng Eat Bulaga dahil sa galing nitong magdala ng show kahit siya lang mag-isa sa stage.
Isa si Ryzza Mae sa all-out ang suporta sa promo ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako. Nasa SM San Lazaro at bukas naman ay nasa SM Manila siya.
BOOM: Nagsalita si Liezel Martinez sa Startalk tungkol sa kanyang kalagayan ngayon na kung saan bumalik pala ang cancer nito.
Tuloy pa rin ang chemo sa kanya at nagpa-stem cell pa ito, kaya malaki raw ang pasasalamat niya sa Diyos at sa asawa niya dahil hindi siya iniwan at todo pa rin ang suporta sa kanya.
Ang maganda pa, okay na rin daw sila ng Mommy Amalia Fuentes niya. Nagkaroon nga raw sila ng bonding nang isinama raw siya sa Rome sa canonization ni Saint Pedro Calungsod.
Isang buwan daw sila sa Italy at nagkaroon daw sila uli ng panahong mag-bonding mag-ina kasama ang mga anak nito.
Abangan mamayang hapon ang kabuuan ng panayam ni Ricky Lo kay Liezel para sa Startalk.