MANILA, Philippines - Isang welcome breakfast ang inihanda ng GMA Network para sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Midas Hotel noong December 12.
Sinalubong siya na mga Kapuso Network top officials na sina Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., at EVP and CFO Felipe S. Yalong. Naroon din si Vice President Jejomar Binay sa nasabing morning get-together. Dumalo rin ang mga GMA Entertainment Television officers na sina Marivin Arayata, Redgie Acuña Magno, Darling de Jesus at Bang Arespacochaga.