MANILA, Philippines - Kahit nag-commit na si Councilor Alfred Vargas sa kanyang career ngayon bilang pulitiko, dahil sasabak naman siya sa mas mataas na posisyon sa isang taon, hindi pa rin niya mahindian ang tawag ng showbiz. Kaya kahit hectic ang schedule, nakagawa pa rin si Alfred ng isang matinong pelikula na kanyang maipagmamalaki. Ito nga ’yung Supremo na kasalukuyan pa ring palabas sa lahat ng mga sinehan.
Sa kabila nun, nabuo pa rin niya ang Alfred’s Program na ang A ay Arts, ang L ay Livelihood, Food Production ang F, Recreation ang R, E para sa Education and Environment, ang D ay Development Call Center, at ang S ay Support for Disability and for Senior Citizens. Dahil sa project na ito, napakadaling maabot ng mga nangangailangan ang handog serbisyong tulong ng actor-politician na nag-aral sa Ateneo de Manila.
Busy din ang opisina ni Alfred araw-araw. Kapag Lunes ay People’s Day, Martes at Miyerkules ay Medical Day, ang Huwebes ay tinawag niyang Pabahay.
Sa 2013 ay malamang na magkalaban sina Gov. ER Ejercito at Alfred sa best actor category.
“Hindi ako umaasa. Magaling si ER at ano naman ang panama ng Supremo sa El Presidente? Kung palarin, thank you, pero ’di talaga ako talaga umaasa.
“Salamat nga pala sa mga nanood ng pelikula kong Supremo, kahit maliit lang ang indie movie naming ito, sulit talaga ang pagod at hirap naming sa pelikula dahil maganda talaga,” saad ni Alfred.
Sa mga school na gustong magpa-book ng pelikulang Supremo, maaari kayong tumawag sa opisina ni Alfred o sa cell phone number na 0906-4138801 at 0943-2288621 at hanapin lamang si Matt Garcia.