Award wiinning playwright na si Eve Ensler darating sa pilipinas!

MANILA, Philippines - Nakatakdang dumating sa Pilipinas sa December 16 ang Tony Award Winning playwright na si Eve Ensler, kilala bilang author ng internationally acclaimed play na The Vagina Monologues. Isang linggong mananatili sa ating bansa si Eve bilang bahagi ng promotions niya ng kanyang One Billion Rising Tour na sinimulan nung November 2012 at magtatapos sa February 2013.

Ang One Billion Rising ay bahagi ng V-Day movement na isang global campaign upang mahin­to ang karahasan sa mga kababaihan. Ito ay parehong sinimulan ni Eve Ensler at patuloy niyang pinalalaganap sa iba’t ibang parte ng mundo.

Habang nasa Manila, nakaiskedyul na ma­kipag-usap si Eve sa mga women’s groups and women leaders mula sa grassroots communities, women workers, migrants at kanilang mga anak, comfort women, estudyante, lawmakers, writers, media at ilan sa mga actress na naging bahagi ng V-Day sa Pilipinas mula pa noong taong 2000.

Katulong ni Eve sa Pilipinas upang ikalat ang impormasyon tungkol sa One Billion Rising ang sikat na theater actress na si Monique Wilson at ilan sa mga grupo tulad ng Gabriela, Kilusang Mayo Uno, Migrante, Center for Women’s Research, CONTEND/ACT, Gabriela Youth at ARCSEA.

Layunin nila na hikayatin ang publiko na sumali sa One Billion Rising street party event na gaganapin sa February 14, 2013 sa Tomas Morato, Quezon City. Inaasahang dadaluhan ito ng ilang artista, sikat na banda, at mga taong kasali sa tinatawag na flash mob na sasayawin ang local theme song ng One Billion Rising movement sa Pilipinas.

Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang kanilang website -- www.onebillionrising.org.

Show comments