MANILA, Philippines - Haharapin na ni Angelito (JM DeGuzman) ang pinakamalaki at pinakahuling hamon sa kanyang pamilya sa pagtatapos ng Angelito: Ang Bagong Yugto ngayong linggo.
Alam na ni Angelito ang masamang balak ni Larry (Eric Fructuoso) at katuwang si Spongky (Felix Roco) ay hahanap sila ng paraan para mapanagot ito sa mga ilegal nitong gawain. Samantala, sabay ding haharapin nina Jenny (Kaye Abad) at Raffy (John Prats) ang gulong dala ng pagkakadawit din nila sa krimeng pakana ni Larry.
Paano malulusutan ng dalawang pamilya ang problema? Huwag palalampasin ang huling linggong episodes ng Angelito: Ang Bagong Yugto , pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.