Herbert babalikan ang pagpo-produce ng pelikula

Nakalimutan na ng marami na sa kauna-unahang Shake Rattle & Roll ay napanalunan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang kanyang Best Actor award, sa episode na Manananggal. Kaya hindi na siya nakatanggi sa muling alok ni Mother Lily Monteverde na lumabas sa pinakahuling pagpapalabas ng franchise horror na Shake Rattle & Roll para sa Metro Manila Film Festival 2012, sa episode na Pamana.

Limang taon lamang naman na absent ang mayor who is fondly called Bistek by his colleagues in showbiz and friends.  Pero ang Viva Films ang maituturing na talagang nagbangon at nagpasikat sa kanya hindi lamang bilang isang aktor kundi isang comedy actor. Katunayan hindi lamang siya nakilalang comedy actor, naging pinakabatang Prince of Comedy pa siya. Nakasama siya sa mga pelikulang Bagets 1 & 2, Ninja Kids, Hotshots, Kumander Bawang, Cap­tain Barbell, Puto, Jack en Jill at Jack En Jill sa Amerika, Dunkin Donato, at Ping Lacson Super Cop. Kung hindi lamang siya inagaw ng pulitika, mas maraming pelikula pa sana ang nagawa niya. Pero mula sa pagiging namumuno ng Kabataang Barangay National Federation, umangat siya sa pagiging konsehal, at  itinutu­ring na pinakabatang vice mayor sa tatlong magkakasunod na terms nung 2001, 2004,  at 2007. Inaasahang masusundan niya ang kanyang panalo nung 2010 sa muling pagtakbo niya sa 2013 mayoralty race. Tapos si Mayor Herbert ng Philosophy & Letters sa San Beda at mayroon siyang master’s degree sa public administration mula sa UP. Sa UP din siya magtatapos ng kanyang doctorate degree.

Alagang-alaga naman ng Regal ang Mayor sa kanyang pagbabalik-pelikula.  Binigyan siya nito ng isang bonggang presscon/Christmas party na kung saan ay muli niyang nakita at nakaniig ang kanyang mga kaibigan sa entertainment press.

May magandang balita para sa mga taga-industriya ang ama ng Lungsod ng Quezon. Sa susunod na taon ay muli niyang bubuksan ang kanyang production company para mabigyan ang local cinema ng much needed shot in the arm.

ALLAN PAULE, MAGPU-PULITIKA NA RIN

Tumatakbo palang konsehal si Allan Paule sa Muntinlupa. Isa siya sa mga ipinakilala sa amin ng tumatakbong vice mayoralty candidate ng Muntinlupa City na si Geraldine ‘Gigi’ So. Isa siya sa walong kandidato ng Liberal Party sa District 1 ng nasa­bing lungsod. Doon isinilang at lumaki ng ipinagkakapuring artista ng industriya ng pelikula at telebisyon. Pumayag siyang pumailalim sa pamumuno ng isang babae para lamang maibalik ang tiwala ng mga Muntinlupeño sa pamahalaan tungo sa isang matuwid na daan.

At dahil sa laki ng tiwala na ibinibigay nila sa kanilang kababayang si Gigi So kung kaya maging ang nag-iisang kalaban nito sa pagka vice mayor na si Rosendo Ancheta ay kusang loob na nag-withdraw ng kanyang kandidatura at nagpasyang tumulong na lamang sa kandidatura ng isang ina at maybahay ng isa pa ring pulitiko na isang civic leader.

JINKEE NILAYASAN SA AIRPORT SI PACMAN

Hindi pa magreretiro si Manny Pacquiao. Ito ang naging pahayag niya pagkarating ng NAIA kahapon ng umaga. Pero kakailanganin niyang magpahinga muna at pagkatapos mamahinga ay mag-a-undergo siya ng rigid training. Mga tatlong buwang rest at tatlong buwang training ang gagawin niya bilang paghahanda sa pagbabalik niya sa ring. Pero definitely, hindi pa tapos ang laban para sa kanya na bagaman at tumanggap ng warm welcome mula sa kababayan sa airport ay hindi maikakaila ang lungkot sa kanyang mga mata habang sumasagot siya sa mga tanong sa kanya.

Ayaw namang magkomento ni Jinkee tungkol sa mga sinabi ni Manny. Hindi na sumama pa ito sa mga pupuntahan ni Manny kahapon. Umalis agad ito makapanggaling ng airport para makauwi ng bahay sa Sta Rosa, Laguna dahil may aayusin pa siyang birthday party para sa isang anak na nagsi-celebrate ng kaarawan.

JUSTIN BIEBER NADADALAS ANG PAKIKISAWSAW SA MGA ISYU

Mabuti na lamang at nakapanggaling na rito si Justin Bieber bago siya nagbigay ng kanyang mga pahayag tungkol sa ating Pambansang Kamao kundi baka hindi siya dinumog ng mga Pilipino at iilan lamang ang sumalubong sa kanya. Kahit may karapatan siyang magbigay ng kanyang opinyon, dapat ay may respeto siya sa isang personalidad at iginagalang ng mga Pinoy na kababayan nila. Lately ay medyo marami na ang pinakakawalang salita ng batang singer hindi lamang tungkol sa mga Pinoy tulad ni Manny Pacquiao na wari mo ay lisensyado na sa kanyang mga sinasabi dahil lamang sa sikat siya.

Show comments