Natabunan si Steven Seagal ng news ng pagkatalo ni Congressman Manny Pacquiao sa laban nito kay Juan Manuel Marquez noong Linggo.
Hindi na siguro kilala ng younger generation si Steven na sumikat noon sa Hollywood dahil sa kanyang action movies. Sumikat si Steven noong dekada 90 at pinilahan sa takilya ang mga pelikula niya.
Pinanood ni Steven ang laban nina Pacquiao at Marquez. Umakyat siya sa boxing ring at nadaanan ng mga TV camera nang ipakilala si Papa Manny.
Nanood ng laban nina Pacquiao at Marquez ang aking best friend na si Pinky Tobiano at ang kanyang boyfriend na si Juancho Robles.
Personal na nakilala nina Pinky at Juancho si Steven sa restaurant na pinuntahan nila sa Las Vegas, Nevada. Very accommodating si Steven dahil pumayag siya na magpalitrato, kasama sina Pinky at Juancho.
Dahil sa pag-apir ni Steven sa MGM Grand Garden Arena, naalaala ko ang Hollywood movie na gagawin sana ni Papa Manny. Matutuloy pa kaya ang pelikula o mananatiling press release na lang?
Noong una, si Sylvester Stallone ang napabalita na magiging co-star ni Papa Manny sa pelikula. Ang sumunod na balita, si Rob Schneider naman ang makakasama niya sa project na may pamagat na Brass Knuckles. Parehong hindi pa natutuloy ang mga naturang project.
Marian pinasalamatan sa ginawa sa batang may-sakit
Nakasabay ni Pinky sa Las Vegas flight nila ni Juancho ang magdyowang Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Nagkita sila sa Mabuhay lounge ng Centennial Terminal. Gumawa ng paraan si Mama Pinky na makilala si Marian para personal ito na mapasalamatan. Pinagbigyan kasi ni Marian ang request ni Pinky na dalawin ang isang bata na may-sakit. Hindi nagdalawang-salita si Pinky dahil pinagbigyan ni Marian ang kanyang hiling kahit hindi sila magkakilala.
Bukas ang balik ni Papa Manny mula sa Amerika. Posibleng magkakasabay sila nina Marian at Dingdong sa pag-uwi dahil bukas din babalik sa Maynila ang dalawa.
Pinanood nina Marian at Dingdong ang laban ni Papa Manny sa Las Vegas. Sure ako na maraming kuwento ang dalawa sa kanilang pagbabalik dahil mga eyewitness sila sa mga pangyayari na ikinabigla ng mga mahihilig sa boxing sa buong mundo.
Kahit hindi nanalo hero’s welcome, naghihintay na kay Pacman!
Natalo man si Papa Manny, isang hero’s welcome ang naghihintay sa kanyang pagdating bukas.
Naisip ng mga Pinoy na walang reason para malungkot dahil mas marami ang panalo ni Papa Manny kesa defeat ’no?!
Pabor din sila sa pasya ni Papa Manny na lumaban uli dahil sigurado raw na mas malakas at matapang ang Pambansang Kamao kapag bumalik ito sa boxing.