Trying hard sa panliligaw sa isang popular personality ang nameless mhin.
Sinabi na ng popular personality sa makulit na manliligaw na friends lamang sila pero sige pa rin siya sa panunuyo.
Malakas ang kutob ng mga kaibigan ng popular personality na may hidden agenda ang mhin kaya hindi ito sumusuko.
Naranasan kasi niya na magkaroon ng fifteen minute-fame nang ma-link siya noon sa popular personality. Ang feeling ng lahat, gagamitin lamang ng mhin ang popular personality para sa kanyang mga personal na interes.
Mabuti na lang at natuto na ng leksiyon ang popular personality na isip at hindi na puso ang ginagamit kapag may mga mhin na nagpapapansin sa kanya.
Driver na minaltrato ng lola ng starlet maraming alam na baho
Nilayasan ng driver ang pamilya ng starlet na kanyang pinaglilingkuran.
Hindi na natiis ng driver ang pagmamaltrato sa kanya ng lola ng starlet na iniwanan ng dyowa.
Inaabot ng gutom ang pobreng driver na naranasan na matulog sa mga waiting shed habang hinihintay ang starlet na inaabot ng magdamag sa isang hotel sa Eastwood Libis.
Tanggap ng driver na trabaho niya ang mapuyat sa paghihintay sa kanyang amo pero kalabisan na ang pang-aapi sa kanya ng mahaderang lola ng starlet.
Naubos ang pasensiya ng driver kaya namasukan siya sa ibang amo. May dapat ikabahala ang starlet at ang kanyang cruel lola dahil alam ng driver ang sikreto ng kanilang pamilya, lalo na ang dahilan ng pagbababad niya sa hotel sa Libis area.
Dahil laban ni Pacman, walang traffic!
Sure ako na nakatutok ngayon sa laban nina Congressman Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez ang sambayanang Pilipino.
Asahan natin na maluwag ang trapik sa lahat ng major roads dahil kung hindi nanonood ng TV sa kanilang mga pamamahay, nasa mga sinehan ang mga mahihilig sa boxing dahil mas type nila na panoorin sa wide screen ang bakbakan nina Marquez at Pacquiao.
Of course, si Papa Manny ang bet ko na mag-win bilang Pilipino ako at dedicated niya sa mga nasalanta ng Typhoon Pablo ang kanyang laban kay Marquez.
Kapag nanalo si Papa Manny, bilyones na piso ang kanyang premyo na siguradong gagamitin sa pagtulong sa mga biktima ni Typhoon Pablo kaya ipagdasal natin ang tagumpay niya.
Hindi lamang ang victory ni Papa Manny ang dapat na ipagdasal natin.
Hilingin din natin kay God na huwag Niyang hayaan na manalanta sa Northern Luzon si Typhoon Pablo.
Nakakaloka ang headline ng Washington Post na posibleng mag-strike two sa Pilipinas si Typhoon Pablo at ang Northern Luzon ang daraanan niya, kabilang ang Metro Manila.
Ipagdasal natin na humina at huwag nang mag-segue way si Pablo sa Luzon. Sobra na ang pasakit niya sa ating bayan ’no?!
Big boss ng PPL namayat sa katatakbo
Ang laki ng ipinayat ni Perry Lansigan, ang big boss ng PPL Entertainment, Inc.
Si Perry ang manager nina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, etc. Malaki ang nabawas sa timbang ni Perry mula nang maging morning ritual niya ang pagtakbo sa UP Diliman, Quezon City.
Inggit na inggit ako kay Perry nang magkita kami sa Christmas party ng PPL sa Luxent Hotel noong Miyerkules. Iniisip ko na rin na mag-jogging sa UP para pumayat ako.
Hindi lamang si Perry ang madalas na nakikita na tumatakbo sa UP compound dahil may mga sighting din kay Boy Abunda na jogging din ang sikreto ng fit na pangangatawan.
Actually, dalawa lamang sina Perry at Boy sa mga showbiz personality na tumatakbo sa UP dahil may mga artista rin na nakikita roon.
Part 2 ng Artista Academy sa 2014 na sasalang
Magkakaroon ng part two ang Artista Academy ng TV5 pero mangyayari ito sa 2014, hindi sa susunod na taon.
Ang Artista Academy ang talent search show ng TV5. Naka-focus muna ang atensiyon ng TV5 sa career ng Artista Academy winners and scholars kaya sa 2014 ang launch ng Artista Academy Search for Tweenstars