MANILA, Philippines - The year 2012 ends with a big bang for Sarah Geronimo.
Three major awards ang naiuwi niya sa ginanap na 25th Awit Awards last Nov. 27. Ang kanyang album na One Heart ang tinanghal na best-selling album of the year. Siya rin ang Entertainment Gateway Group’s most downloaded artist at ang kanyang hit song na Sino Nga Ba Siya ang Entertainment Gateway Group’s most downloaded song.
Ang kanya namang concert sa Smart Araneta Coliseum na 24/SG ang nanalong best major concert (female) sa Aliw Awards.
And there’s more. Siya ang best Asian Artist/Philippines sa Mnet Asian Music Awards na ginanap sa Hong Kong kamakailan. Siya lang ang nag-iisang local artist na recognized sa nasabing kinikilalang music awards sa mga bansa sa Asya.
Anyway, ang DVD copy ng kanyang two-night concert sa Araneta will be released before Dec. 25. Kaya sa mga hindi nakapanood sa kanyang concert sa Araneta na birthday celebration niya ay puwede n’yo nang mapanood sa DVD. Original dapat ang bilhin n’yo.
Well, hindi man maligaya si Sarah sa love life niya, bongga naman ang career ng Pop Princess!
Pasasaan ba’t darating din ang lalaking magse-seryoso at magtitiyagang maghintay sa kanya. At least, wala man siyang Gerald Anderson, marami naman siyang nakuhang award.
Tuloy na tuloy na ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz na ipalalabas next year.
Nora parang himala ang akting sa Thy Womb
Magkakaroon ng private screening ang Thy Womb. Si Direk Brillante “Dante” Mendoza ang nag-iimbita na panoorin ang kanyang obra na pinagbibidahan ni Nora Aunor.
Advantage ng pelikula na matagal na silang tapos kaya naipapanood na nila. Na-review na rin sila ng Cinema Evaluation Board (CEB) at naka-A sila.
At in fairness, ayon sa mga nakapanood na, Nora has established herself as a frontrunner talaga sa pagka-best actress.
Ikinukumpara pa nga ang acting niya sa Thy Womb sa naging acting niya sa pelikulang Himala ng isang critic.
She delivers daw a solid-rock performance bilang dutiful wife who must atone for the emptiness of her womb by finding someone who can bear her husband’s child. At nagawa raw niya ito hindi lang sa mga dialogue kundi sa small nuances like the expression of the eyes.
Kinunan ang pelikula sa Tawi-Tawi, in a typical Tausug seaside village.
Habol lang sa Metro Manila Film Festival ang Thy Womb at nauna na itong naipadala sa Venice Film Festival.