^

PSN Showbiz

Lian naghahamon na ilabas ang pruweba sa relasyon sa matandang lalaki

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Promising ang bagong batch na mga bagets na ipinakilala ng GMA 7 sa movie press nung isang gabi.

Sila ang mga bagong grupo ng TGIS na ginawa nang Teen Gen ngayon.

Kabilang sa mga bagets na ito ang anak ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong na si Gab de Leon at ang dalagitang anak nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado na si Gianna Revilla.

Malaking challenge ito sa dalawang bagets dahil sa achievements ng kanilang magulang. Pero gusto naman nilang makilala bilang sila na hindi dahil sa anak sila ng mga sikat nilang magulang.

Si Gianna ang pinaka-excited sa lahat dahil gustung-gusto pala talaga niyang mag-artista.

Kaya kabado si Sen. Bong dahil ayaw sana talaga niyang ma-expose sa showbiz ang kanyang mga babaeng anak.

Sa Dec. 16 na magsisimula ang Teen Gen, pagkatapos ng Party Pilipinas. Tampok dito ang mga bagong mukha ng GMA 7 kasama pa rito ang winners ng Protégé na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino.

PAK: First time na humarap si Sen. Koko Pimentel sa movie press at nabuking tuloy na crush pala nito si Cristine Reyes.

Nakita niya ang seksing aktres sa ABS-CBN nung mag-guest siya sa Gandang Gabi Vice at medyo nag-init daw ang dugo niya.

Inamin ng senador na nagti-text daw siya kay Cristine pero aware naman siya na boyfriend nito si Rayver Cruz.

Pagkatapos nilang maghiwalay ni Jewel Mae Lobaton, hindi pa niya nasubukang makipag-date sa ibang babae. Hindi pa naman niya maisip na magkakagusto siya o manliligaw sa artista.

BOOM: Hinahamon ni Lian Paz ang nagkalat ng isyung may bago na siyang lalaking ipinagpalit kay Paolo Contis.

Itinatanggi ni Lian ang intrigang iyon at hinahamon niyang maglabas ng pruweba dahil wala naman talaga silang makukuha.

“Maglabas sila kung ano ang gusto nilang ilabas. Hindi po ako natatakot dahil wala po akong tinatago.

“Actually, na-offend na talaga ako sa mga lumalabas na mga balitang ganyan, ’yung mga hindi magandang writeup sa akin, kasi I don’t know what to do pa.

“Parang ano pa bang gusto nila para ma-satisfy? ’Yung hunger n’yo na gusto n’yo talaga ilaglag ang pagkatao ko or what?” madamdaming pahayag ni Lian.

Mapapanood ang exclusive interview sa ex-wife ni Paolo sa Startalk.

BONG REVILLA

CRISTINE REYES

GANDANG GABI VICE

GIANNA REVILLA

JERIC GONZALES

JEWEL MAE LOBATON

KOKO PIMENTEL

LANI MERCADO

TEEN GEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with