May mga pulitiko na lumipad sa Las Vegas dahil manonood din sila ng Pacquiao-Marquez fight.
Kahit busy sa training si Papa Manny, hindi niya nalilimutan na magbigay ng complimentary tickets sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso.
Milyun-milyong piso ang nagagastos ni Papa Manny sa complimentary tickets na ipinamumudmod niya.
Natakot maubos ang kadatungan kabubukas na restaurant ng aktor, isinara na!
Nagsara na pala ang halos kabubukas na restaurant ng isang aktor.
Hindi nakakagulat ang biglang pagsasara ng restaurant ng aktor dahil incompetent ang kanyang mga tauhan.
Alam ko ang sinasabi ko dahil marami na akong narinig na reklamo mula sa mga customer ng restaurant.
Tama lang na isinara ng aktor ang kanyang negosyo or else, mauubos ang kadatungan niya.
Mahirap magkaroon ng mga tauhan na walang malasakit sa pinagkukuhanan nila ng kabuhayan. Kawawa ang mga employer nila pero mas pathetic ang mga empleyado na nagpapakita lamang ng sipag tuwing araw ng suweldo. Ang mga kagaya nila ang madalas na nawawalan ng trabaho dahil hindi sila mapagkakatiwalaan.
Dr. Vicki parang reporter sa laban ni Manny
Lumipad sa Amerika si Dr. Vicki Belo dahil panonoorin niya sa Las Vegas, Nevada ang laban nina Juan Manuel Marquez at Congressman Manny Pacquiao.
Naging tradisyon na ni Mama Vicki na manood ng mga boxing fight ni Papa Manny sa Amerika bilang suporta niya sa mahusay na Pinoy boxer at kay Jinkee Pacquiao na parehong mga celebrity endorser ng Belo Medical Clinic.
Parang sports reporter si Mama Vicki kapag nanonood ng mga laban ni Pacquiao dahil sa blow-by-blow tweets niya sa kanyang Twitter account.
Gianna at Gab, bet na agad sa stardom
Mga mukhang artista talaga ang young cast ng Teen Gen, ang youth-oriented show ng GMA 7 na ipapalit sa timeslot ng Manny Many Prizes na nag-last telecast noong Dec. 2.
Sa Dec. 16 pa ang pilot telecast ng Teen Gen dahil ang laban nina Pacquiao at Marquez ang ipapalabas bukas sa nabakante na timeslot ng Manny Many Prizes.
Dalawa sa bagong stars ng Teen Gen ang malapit sa puso ko, sina Gianna Revilla at Gab de Leon. Sa family names pa lang nila, knows n’yo na kung bakit bet ko for stardom sina Gianna at Gab.
Kinse anyos na aktor may nararamdaman na kay Gianna
Nakarating sa akin ang balita na crush na crush daw ni Ruru Madrid si Gianna, ang anak nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Congresswoman Lani Mercado.
Sa ganda ni Gianna, imposible na walang mhin na magkaroon ng crush sa kanya.
Libre ang mangarap at walang nagbabawal kay Ruru sa nararamdaman niya para kay Gianna.
Normal sa mga bagets na ma-in love sa murang edad pero ang mag-concentrate sa career at magtapos ng pag-aaral ang unsolicited advise ko kay Ruru. Love can wait ’no! Kinse anyos pa lang si Ruru.
Marami pa siya na mapagdaraanan. Huwag niyang madaliin ang kanyang pagbibinata.
Sen. Koko ayaw magpa-off the record
Natuwa kay Sen. Koko Pimentel ang entertainment press dahil hindi uso sa kanya ang mga off the record.
In fairness sa senador, nag-enjoy siya sa pakikipag-usap niya sa showbiz press. Naging komportable siya dahil na-feel niya ang sincerity ng mga kausap. Kakandidato uli si Sen. Koko sa 2013 kaya hinihingi niya ang suporta ng entertainment writers.
Aware ang senador na malaking tulong sa candidacy niya ang tulong ng showbiz press.