Naimbita ako sa pa-Christmas party ng Kapamilya para sa press. Sila pa lamang ang rume-recognize sa akin bilang kagawad ng print media dahil may daily column ako dito sa PSN.
Dahil dito nagpapasalamat ako sa kanila for the recognition at sa kabila na katotohanan na kabilang ako sa kalaban nilang istasyon ay walang isyu sa kanila.
I am invited not because of my work as a Kapuso but because I’m a practicing mediaman.
Galing ni Mara sa Cinema One napansin
Kung sa Survivor Philippines ay nagsimulang maramdaman ang kanyang presence, sa ginawa niyang indie film na Palitan ay tuluyan ng mai-establish ni Mara Lopez ang kanyang tamang kalalagyan sa movie industry. Dito pinatunayan niyang anak siya ng kanyang ina na bukod sa beauty queen ay isa ring mahusay na aktres.
Sa ginawa niyang pelikula, kinilala ang husay ng nakababatang Lopez sa pag-arte. Nanalo siyang Best Actress sa Cinema One Originals Festival.
Unang-unang proud kay Mara ay ang kanyang inang si Isabel Lopez.
Congratulations.
RICHARD YAP KAILANGANG MADAGDAGAN ANG TRABAHO
Sana mas mabigyan pa ang maraming trabaho si Richard Yap para masulit ang ginawa niyang pagre-resign sa kanyang trabaho na tumagal siya for more than 20 years. Marami ang taga-suporta ni Sir Chief sa kanilang Be Careful With My Heart na aabutin pa ang pagpapalabas hanggang sa kalagitnaan ng 2013. Let’s hope na ma-maximize ng ABS-CBN ang kanyang talent.
TOM TAMA ANG DESISYON
Maganda ‘yung pasya ni Tom Rodriguez na manatili ng ABS-CBN. Tutal nabibigyan naman siya rito ng magaganda pang palabas. Kapag lumipat kasi siya ay baka masira ang ginagawang magandang pagpapatakbo ng Dos sa career niya. Kapag hindi na siya masaya, dun siya magpasyang lumipat pero, hangga’t kuntento siya, manatili na muna siya sa kanyang kinalalagayan. Okay ba, Popoy Caritativo (manager niya ngayon)?