MANILA, Philippines - Inilalaban ni Direk Ruel Bayani ang acting ng dalawa niyang bida na sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa One More Try, official entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2012 sa pagka-best actress kay Nora Aunor ng Thy Womb na kasali rin sa MMFF. Malakas na malakas kasi ang ugong na si Ate Guy na agad-agad ang best actress hindi pa man nag-uumpisa ang MMFF.
“Siyempre lahat ng tao sasabihin. ‘Wala nang laban ang dalawang bata sa isang institusyon! Ang buhay, laging paggising mo, may laban ka! Kung para sa ‘yo eh ‘di mapupunta sa ‘yo. Kung hindi, hindi!
“Alam namin na kalaban nila si Ate Guy. Sabi ko, lahat gawin ninyo. Hindi naman maghuhubad si Ate Guy sa movie niya! Sa sampalan, walang sampalan doon, todo ninyo na rito! Kabugan, sapakan, pasa, parehong professional silang dalawa at parehong napakahusay!
“Paki-quote ninyo ako. Yes, may laban sina Angel at Angelica for best actress!” sabi ng director ng pelikula.
Naki-agree naman si Angelica : “Yes, may laban kami!”
“Pero naniniwala kaming may himala! Ha! Ha! Ha!”
Sagot naman ni Angel : “Siyempre, kahit paano, umaasa kami na sana ma-appreciate. But hindi naman natin maitatanggi na ganoon. Si Ate Guy po ‘yon. Nirerepesto natin ang galing niya.
“Pero hindi naman namin mamaliitin ang effort na pinakita namin sa pelikulang ito. Si Angelica, masasabi kong napakagaling niya sa pelikulang ito. Ako, hindi rin naman ako nagpatalo! Ha! Ha! Ha!
Well, hintayin nating mapanood ang dalawang pelikula kung may himala nga kina Angel at Angelica.
Sharon mag-iikot ng buong Pilipinas
Maglilibot sa buong Pilipinas ang programa ni Megastar Sharon Cuneta na Sharon Kasama Mo, Kapatid (SKMK) as in bibisita siya sa Luzon, Visayas, at Mindanao para mangalap ng mga kuwento ng buhay ng mga tao – inspiring and heartwarming stories of love, hope, forgiveness etc.
Ito ay para ituloy ang kanyang advocacy na pagtulong sa buhay ng mga karaniwang Pinoy.
Bumisita na kamakailan si Sharon sa kanyang hometown, ang probinsiya ng Pampanga kung saan nakipag-chikahan siya sa mga tao na nasa likod ng sikat na sikat na Kapampangan delicacies - Susie’s and Nathaniels. Nakipag-bonding din si Sharon sa iconic Kapampangan cook na si Atching Lilian Borromeo kung saan nagluto sila ng Atching Lilian’s famous San Nicolas cookies. Binalikan din ni Megastar ang kanyang kabataan nang dumaan siya sa famous restaurant sa Pampanga na Everybody’s Café at tinikman ang Kapampangan cuisine.
Sa isang very touching na episode, ginawan naman ng paraan ni Sharon na magkita ang isang ama at ang kanyang walong anak bilang regalo sa Kapaskuhan.
Binisita rin niya si Senator Lito Lapid.
Sa Davao naman, nagkaroon siya ng special and free thanksgiving show sa Abreeza Mall kung saan ay sinamahan siya ni Chokoleit, ng pride ng Davao na si Krizel na nakilala sa Star Power, at ang singer-composer na si Rey Valera. At siyempre sinamantala na niya ang pagkakataon para libutin ang Davao mula sa Crocodile Farm hanggang sa Rico’s Lechon.
Nag-foodtrip din siya sa Cebu at diniskubre ang pinakamasasarap na pagkain na sikat sa nasabing probinsiya.
Nakasama rin niya sa one-on-one interview ang former singer-actor na si Jay-R Siaboc at binisita din niya ang controversial na si Tita Annabelle Rama.
At natapos ang kanyang pamamasyal sa Cebu sa pamamagitan ng free thanksgiving show at the Ayala Center, Cebu.
Mapapanood ang SKMK sa TV5 Mondays to Fridays from 4:30 p.m. to 5:30 p.m. - Dec. 3 to 7 (Pampanga special), Dec. 10 to 14 (Davao special), and Dec. 17 to 21 (Cebu special).
Simula pa lang daw ito nang paglilibot ni Mega kaya hintayin ang pagdating ni Sharon sa mga iba’t ibang probinsiya.
Hmmm. Nangangamoy pulitika ba si Mega?