PIK: Kung hubad-hubaran naman ang drama ni Matteo Guidicelli sa Paraiso, isa naman siyang santo sa isang indie film na kasali sa New Wave Section ng Metro Manila Film Festival.
Gaganap na si St. Jerome si Matteo sa indie film na Paglaya sa Tanikala na dinirek ni Michael Angelo Dagnalan.
Gaganap muna siyang si Bro. Jerry na isa pala siyang santo na si St. Jerome. Bumagay naman sa kanya dahil sa maamo niyang mukha.
Balot na balot siya siyempre sa pelikulang ito pero pagdating naman sa taping ng Paraiso ay pantalon lang ang baon niya dahil lagi siyang nakahubad.
PAK: Safe pa rin ang sagot ni Vic Sotto pagdating sa love life na ang tinatanong sa kanya nang humarap ito sa sarili niyang presscon para sa pelikulang Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO.
Natanong din ang tungkol sa balak na pagpapakasal, na inamin naman niyang nandiyan pa rin daw ang nais niyang magpakasal ulit. Pero kung hindi na ito ibibigay sa kanya ng Diyos, tatanggapin naman niya.
Safe rin ang sagot niya sa tanong kung si Pauleen ba itong babaeng pakakasalan niya.
“Hindi naman natin masasabi ’yan kung ano ang nakaplano sa atin ng Diyos,” safe na sagot ng comedian-TV host.
Basta masaya raw siya at inspired pero ayaw lang niyang pag-usapan pa ito at nagpapasalamat siya sa press sa pagrespeto sa kanilang pananahimik.
BOOM: Natatakot kaming baka sumabog ang ’di magandang kuwento tungkol sa female celebrity na ito na kahihiwalay lang sa karelasyon niyang kilalang aktor.
Nilayasan kasi ito ng driver niya at nakita naming nagda-drive na ito sa isang kilalang aktres.
Ang dami kasing kaibigang reporter nitong si driver at nagkukuwento kung paano siya tratuhin nitong si female celeb na dating pinagtatrabahuan niya.
Napakamatapobre raw ng pamilya nito at ang hindi niya ma-take, ilang beses siyang natutulog sa kalye dahil sa paghihintay kay female celeb na magdamag na nakababad sa condo unit ng pinsan niya.
Nalaman ni driver na lalaki itong sinasabi niyang pinsan at hindi siya naniniwalang pinsan niya ito.
Kahihiwalay lang nitong si female celeb pero ang dali naman palang nakapag-move on dahil sa madalas nitong paglalabas kasama itong lalaking “pinsan” niya.